Chapter 16

935 Words

MRS. GATCHALIAN!” gulat na bulalas ni Maria Amor. Hindi niya inaasahang ito ang bisitang sinasabi ni Nana Pacita. Sa tabi nito ay ang tahimik na si Nina. “Ako nga!” matalim ang tinging sagot ng ginang. “Ano’ng akala mo, hindi kita matutunton dito? Hindi mo ‘ko basta-basta mapagtataguan, Miss Villegas! Baka hindi mo ‘ko kilala!” “B-bakit ko naman po kayo pagtataguan? Hindi po ba at sinabi kong pagbalik ko ng Maynila ay aasikasuhin natin agad ang tungkol doon?” “Pero nakatengga ang kaso ng kapatid ko dahil sa mga aberya mo. Sinusubukan kitang tawagan pero ayaw mong sumagot. Pakiramdam ko’y wala ka talagang balak na tuparin ang pangako mo sa’kin!” Napakagat-labi siya. Guilty siya sa sinabi nito. Kahapon ay natatandaan niyang nagpatay nga siya ng cellphone pero nalimutan na niyang buhayin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD