NAPAPANGITI si Miguel habang nakatuon ang tingin sa librong hawak. Naroon nga ang mga mata niya pero ang isip niya ay na kay Maria Amor. Her sweet smile, her expressive eyes...ang mga labi nitong hindi niya maiwasang titigan...her delicate skin, Ah, everything about her was driving him crazy! Kaninang ilabas niya ang mga bagahe ay inakala niyang hindi pa rin siya papansinin ng dalaga. But she did and the sadness was all over her face. Nagdiwang ang puso niya. Alam niyang may epekto na siya rito at nakikita niya iyon sa mga kilos nito. Kahit nagsusungit, alam niyang madalas siyang tingnan nito. Alam din niya na hinahanap siya lagi nito. Hindi madamot sa impormasyon si Lester, gayondin si Nana Pacita. At iyon ang huling paraang naisip niya para magpapansin sa dalaga. “Yes, I sug

