KINABUKASAN ay sinikap ni Maria Amor na iwasan na si Miguel. Nagpadala na lang siya ng pagkain kay Nana Pacita nang bandang tanghali. Hapon na siya lumabas dahil sinabi ng katiwala na gabi pa raw ang dating ng binata. Alas-nueve nang marinig niyang bumukas ang pinto ng silid sa kabila. Makalipas ang isang oras ay kumatok si Miguel sa kaniyang pinto pero hindi niya ito pinagbuksan. Mayamaya ay sa veranda naman ito kumatok pero hindi rin niya sinagot kahit ang pagtawag nito. Gusto niyang iparamdam dito ang paglayo niya. Kung maaari lang sana ay umalis na ito nang hindi sila nagkakausap pero ang sabi ni Nana Pacita ay tumawag raw dito ang kaibigang abogado ng lalaki at nagpasabi na extended ang bakasyon ni Miguel. Iyon raw ang pasya ng lalaki na sinabi rito. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa

