TATLONG sunud-sunod na katok ang narinig ni Amor. Sa gawing veranda nanggagaling ang tunog kaya napakunot-noo siya. Was it Miguel? “Sino ‘yan?” sigaw niya. Nang umulit ang tunog ay sa bathroom na iyon nagbubuhat. Ah, maybe it was really Miguel. Tumayo siya at binuksan ang pinto niyon. Si Miguel nga ang nabungaran niya habang nakangiti nang alanganin. “Can I come inside?” tanong nitong haplos pa ang batok. “Sure,” aniya ritong hindi alam kung mapapangiti o ano. “May...may kasama ka?” “Wala. Chiara had already left,” anito. Napatango siya. “Tuloy ka. Ikaw ba ‘yung kumakatok sa veranda?” “Ha? No.” Napasulyap si Miguel sa labas at awtomatikong napahakbang palapit sa pinto ng veranda. Binuksan nito ang sliding door at saka lumabas. “Saglit. Bubuksan ko lang ang ilaw,” aniya pero

