GALIT niyang hinarap si Luna sa loob ng silid. Sinasabi na nga ba niya at totoo ang kaniyang kutob. Ang kakambal ang may kagagawan sa nangyari! “Why did you have to do that? Tingnan mo at ako na naman ang pinagbintangan sa ginawa mo!” Sumimangot si Luna at saka lumakad palapit sa bintana. Doon nag-stay ang usok nito habang siya ay palakad-lakad at pilit na kinakalma ang sarili. “Buwisit ‘yang babaeng ‘yan! Bakit ba biglang umeksena ‘yan dito?” Bahagya siyang nagulat sa inasal ng kapatid pero inignora na lang niya ‘yon. Siguro nga ay ganoon katindi ang pagkagusto nito kay Miguel para umakto nang ganoon. “Ano kaya kung bunutan ko ng kuko sa paa ang bruhang ‘yun? O kaya ay pasaan ko sa buong katawan? Siguro naman ay aalis na siya rito, hindi ba?” “Itigil mo na ‘yang mga iniisip mo dahil

