HINDI maialis ni Miguel ang paningin kay Maria Amor at sa bisita nitong lalaki. Nasa veranda siya kanina nang matanaw niya ang pagpasok ng isang kotseng itim sa gate. Hindi nagtagal ay narinig niyang kumakatok si Nana Pacita sa kabilang silid. Dahil doon ay natiyak niyang ang dalaga ang sadya ng bagong dating. Pasimple siyang bumaba. Tinungo ang kusina at kumuha ng canned beer sa ref. Nang nagdaang araw ay inimporma siya ni Lester na hindi na niya kailangang bumili ng beer o wine sa labas dahil may stocks na raw ulit ang villa. Natuwa naman siya dahil hassle din sa kaniya ang pagbili sa labas. Naramdaman niya ang pagpasok sa kusina ni Nana Pacita. Tumikhim siya at tumiyempo bago nagtanong rito. “Ah, ‘yan ba? Bisita ni Amor. James daw ang pangalan,” tugon ng matanda habang naghah

