NAKADALAWANG beer nang nainom si Miguel. Katatapos lang nilang mag-usap ni Jerry sa telepono at ikinuwento niya rito ang nangyari. Tawa ito nang tawa kaya sa huli ay tinapos na lang niya ang usapang iyon. Mukhang puro kantiyaw lang ang aabutin niya sa malokong abogado ng kaniyang ama. That woman was impossible! Nang tanungin niya ito tungkol sa nawawala niyang panloob ay kuntodo tanggi ito. Natural ay sinabi niya rito ang tungkol sa naisip niyang may multo sa villa pero agad itong tumanggi. Wala raw multo roon. Nakasilip siya ng chance na idiin ito bilang siyang kumuha ng kaniyang gamit. Pero sa tingin niya ay hindi ganoon kadali para ditong aminin ang lahat. So he tried to lead her to what he thought really happened. Sinubukan niyang lumapit dito pero bigla na lang umigkas ang tuhod nito

