Ashina's P.O.V
Nagtaka ako kung bakit siya lumalapit sa akin. Nakatingin lang siya sa akin ng walang binibitiwan na salita. Huli na para sa akin nang subukan kong lumayo sa kaniya.
Nagawa na niya akong ma-corner dito sa bintana.
Nagulat ako ng ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.
"What the hell, Zeeb!" malamig kong saad saka pilit siyang inilalayo sa akin pero hindi ko siyang magawang itulak.
Even my power doesn't have an effect on him.
What's wrong with this man?
Naramdaman kong ang isang kamay niya ay humawak sa aking baywang saka mas lumapit sa akin.
May problema ba sa kaniya?
"Do you have a problem? We can talk about it properly." ani ko na more like pangungumbinsi ko.
"What did I do to make you reject me?" pabulong niyang tanong na siyang ikinatigil ko.
"Am I not your type? Am I not powerful enough? Kung iyong nakita mong ginawa ng isang Knight member sa mga omega ang dahilan, sorry about it. Hindi alam na ganoon pala ang trato niya sa mga ito." paliwanag niya na parang bata.
"Lagi akong busy kaya hindi ko napapansin ang ilang kaganapan sa aking nasasakupan." he added.
Para siyang nagsusumbong sa ginagawa niya.
"At kung tungkol naman sa araw-araw na babaeng pumupunta sa pack. Labas ako roon. Ang aking ina ang siyang gumagawa nito. Gusto na niya kasing magkaroon ng Luna ang aking Pack." patuloy niya.
Tumigil na ako sa pagtaboy sa kaniya dahil walang saysay din lang naman ang pagtulak ko sa kaniya. Pinili ko na lamang din na makinig sa kaniya at hayaan siyang magsalita.
"Promise! Ni isa sa kanila ay hindi ko hinarap dahil isa lang ang gusto kong maging Luna ng pack ko, iyon ay ang aking mate." saad niya pa.
Ang maging isang Luna sa isang pack ay ang bagay na ayokong gawin sa buong buhay ko.
"I've waited for my mate to come. Pinangako ko na kapag natagpuan ko na ang aking kabiyak ay hindi ko ito pakakawalan anumang mangyari. Wala rin akong pakialam kung isa man siyang Omega or kung ano pa man." dagdag niya,
Lihim na napahigpit ang kapit ko sa gilid ng bintana.
Hindi ko maintindihan.
Isa lamang ang dahilan kung bakit ako narito.
Ang maging isang mated wolf ay wala sa plano ko.
"Whoever my mate is, I'll accept her. Please give me a chance to prove to myself that I am worth being your other half." sambit niya saka umalis sa pagkakasiksik sa aking leegan.
Umiwas at hindi ako tumingin sa kaniya.
"I don't need a mate, Zeeb." mariin kong sambit.
"But I need you," he immediately response.
Lumuwag ang pagkakahawak ko sa edge ng bintana. Lihim na napabuntong hininga ako.
Am I become cruel?
Ipinikit ko ang aking mga mata ng maalala ko ang dahilan kung bakit kailanman ay hindi na ako naniniwalang sa mate things na 'yan.
Noon ay isa akong hundred percent believer sa mate ng isang wolf. Nakasaad kasi sa librong nabasa ko noon ay kapag natagpuan mo na ang iyong mate magkakaroon ka ng magandang buhay.
Kahit sino ka man ay tatanggapin ka niya ng buo at walang pag-alinlangan. Ang pagmamahalan ng bawat isa ay wagas at walang kapantay. Ang koneksiyon ni'yo sa isa't isa ay hindi mapuputol nino man.
Muling sumiksik sa akin si Zeeb.
"I need you by my side, Ashina." sambit niyang muli.
Ngunit ang paniniwala ko na mayr'on ako noon ay naglaho na.
"Give me some space for a while, Zeeb. I need to rethink it." ani ko,
Narinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga saka marahan siyang bumitiw sa akin.
"I won't force you to accept or complete the mating process, and I won't do it without your permission. Ang bawiin mo ang rejection ay sapat na sa akin. Kahit hindi mo pa ako tanggapin ng buo ngayong gabi." sad niya,
"Nasa ibaba lamang ako. Anuman ang magiging desisyon mo ay tatanggapin ko." dagdag niya.
Bago siya umalis ay nilapatan niya ako ng halik sa aking noo. Tumingin ako sa kaniya hanggang sa mawala na siya sa aking paningin at ako na lamang ang matira rito.
Bakit?
Bakit ngayon pa?
Bakit ako nagkaroon ng isang mate na katulad ni Zeeb?
"Natatakot ka ba, Ashina?" biglang litaw sa aking isipan ni Lou.
"Natatakot ka ba na baka maulit muli ang iyong nakaraan? Marahil ay nabuhay ka muli sa mundong iyong kinamumuhian ngunit iba na ang buhay mo ngayon. Hindi ka na katulad ng dati." dagdag ni Lou.
"Do you think we can trust him?" tanong ko kay Lou.
"Alam mong kung ano ang nararamdaman mo ay nararamdaman ko rin. Ramdam kong hirap kang magtiwala at ganoon din ako subalit Ashina, ayokong palagpasin mo ang pagkakataong ito." she stated.
"Ramdam kong iba si Zeeb. Kita kong sincere siya sa'yo. Bakit hindi mo siya bigyan ng pagkakataon?" muli niyang saad.
Kailangan ko bang magtiwala muli at pagkatiwalaan si Zeeb?
Oh, come on! Zeeb is a pureblooded werewolf. He is also come from a royal family, while me, I came from nothing.
Is it really okay?
Bakit hindi ko subukan?
Umalis ako sa aking pagkakasandal sa bintana. Sumilip ako sa ibaba. Naroon siya sa isang sofa, nakahiga siya habang nakatakip sa kaniyang mga mata ang isa niyang kamay.
Marahan akong bumaba sa hagdan. Mukhang naramdaman niya ako kaya mabilis siyang bumangon.
Narating ko ang kaniyang kinaroroonan. Umupo ako sa isang maliit na mesa na nasa gitna ng mga sofa.
"Can I trust you?" I calmly asked.
"You can," mabilis niyang sagot.
"Are you sure you are going to accept me anuman ang malaman mo tungkol sa akin?" tanong ko ulit.
"You are from a royal family, while me, I have nothing." malamig kong wika.
Isang ngiti ang siyang nakita ko sa kaniya. Nakaupong humarap siya sa akin. Inabot niya ang aking kamay at hinawakan ito.
"I am serious when I say that I'll accept you, whoever you are." he replied.
"I don't care if you came from nothing." he seriously added.
Hindi naman siguro masama kung kikilalanin ko siya.
"Fine, binabawi ko na ang rejection na binigay ko sa'yo." ani ko,
"Really?" malawak na ngiting tanong niya.
Hindi ko napigilang hindi matawa nang mahina sa reaction niyang pinapakita. Hindi siya nakilala sa ganito.
"You are gorgeous when you smile." Natigil ako sa aking mahinang pagtawa at binigyan siya nang masamang tingin.
He chuckled,
"And one more thing," bigla kong saad.
"Hmm?" he hummed.
"Hindi mo pakiki-alaman kung ano man ang nais kong gawin." seryosong ani ko.
"I am not your father to stop you from doing what you want. I am your lover, and I will support you in everything." he responded.
"Really?" tanong ko habang nakataas ang mga kilay ko.
Natawa siyang muli.
"Come here," pagyaya niya.
Hindi kaagad ako lumapit sa kaniya. Tiningnan ko siya habang siya ay naghihintay na lumapit ako sa kaniya.
Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Pinaupo niya ako sa kaniyang kandungan saka niyakap ako mula sa aking likuran.
"I am not lying. Just tell me if you need help. I am willing to help you." he sweetly stated.
"What if sabihin ko sa'yong may gusto akong burahin na pack. Will you help me to do that?" panghahamon ko.
"Which pack?" kaagad niyang tanong.
Wait! Speaking of burahin?
"Ikaw ba ang dahilan kung bakit biglang naglaho ang Hallow Pack?" ani ko,
"I am. The daughter of that pack tried to kill my mate. I just gave them the punishment they deserved." simpleng pahayag niya.
"Where are they?" I asked.
"I killed them." Nangunot ang aking noong tumingin sa kaniya.
"Pero hindi ko dinamay ang walang kakayang lumaban. Ang ilan sa mga ito ay nasa aking pack." mabilis niyang paliwanag.
"Good to hear that." tanging nasabi ko.
Naging tahimik ang aming paligid namin. Wala na rin naman kasi akong sasabihin.
"Would it be okay for you to stay here for a week? or for a days?" basag niya sa katahimikan.
"Why are you asking me? at bakit gusto mong mag-stay pa rito?" curious kong tanong.
"I want to spend time together with you. Am I asking too much? It is okay kung hindi puwede." sambit niya,
"It's okay with me, pero hindi ka ba hahanapin ng iyong pack or ng iyong ama kung mawawala ka ng ilang days?" I said.
Isang ngiti muli ang nakita ko sa kaniyang labi.
"They won't," saad niya sabay halik sa aking labi.
TheKnightQueen