Ashina's P.O.V
Isang linggo na ang nakalilipas at sa loob ng lumipas na ito ay maraming nangyaring kaganapan, maliban sa amin ni Zeeb. Simula ng i-reject ko siya ay hindi na kami nagkita pa.
Marahil ay dahil pareho kaming naging abala sa kaniya-kaniya naming ginagawa. Abala ako sa pag-ubos sa mga lobong gusto kaming mga wolf hunters na ubusin na kalaunan din ay tumigil sila bigla na ipinagtataka ko.
At ngayon ay kasalukuyang nagdiriwang ng pagkapanalo ang palasyo. Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Black Lycanian at Lycanians.
Sa Lycanians Continental ay nahahati ito sa dalawa, ang Black Lycanian at ang Lycanians.
Sa Black Lycanian ay pinamumunuan ito ni King Klarkus, habang si King Klarkes ang sa Lycanians.
Ang tinaguriang pinuno ay magkapatid. Sila ay magkakambal na magkaiba ang kulay ng inner wolf. Si King Klarkus ay nagkaroon ng inggit sa kaniyang kakambal na kalaunan ay naging matinding galit.
Ito ang siyang naging dahilan kung bakit nahati sa dalawa ang Lycanians Continental. Ang mga kulay itim na lobo ay automatikong mapapasama sa angkan ni King Klarkus, gusto mo man or hindi. Ito ang siyang naging palatuntunan sa buong Lycanian continental.
Na kung minsan ito ang siyang naging dahilan kung bakit ang ilan sa Lycanians ay tinatago nila ang kanilang mga anak kapag ang inner wolf nila ay kulay itim.
At nito lamang ay sumugod ang mga tauhan ni King Klarkus sa Lycanians. Sinusubukan nitong makuha ang buong Lycanians.
Ang pinakalayunin ni King Klarkus ay makuha at mapasakanya ng buo ang Lycanians Continental. Nais niyang pamahalaaan ito na siya lamang ang namumuno.
Ngunit nabigo ang nasa kabilang angkan sa kanilang pagsugod. Pinamunuan ni Alpha Zeeb na kasalukuyang wolf prince ang siyang naging digmaan. Sa aking lakas ng kasalukuyang prinsepe ay siyang naging dahilan ng pagkatalo ng Black Lycanian. Ito ang dahilan kung bakit nagdiriwang sila ngayon.
Hindi ko alam kung bakit narito ako ngayon sa palasyo. Kasalanan ito ni Vena, e. Sa tuwing nakakakuha siya ng mga imbetisyon sa mga ganitong event ay agad niyang ibinibigay sa akin.
Iyong babaeng iyon talaga ang hilig mangolekta ng mga invitation.
Napabuntong hininga na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga kasama kong lobo. Sa totoo lang ay hindi ko kayang makasama sila sa mahabang oras. Oo isa rin akong lobong kauri nila subalit sila ay aking kinamumuhian nang husto.
Ang makasama sila sa ganitong lugar ay siyang nag-uudyok sa akin na tapusin silang lahat ngayon mismo.
Tinungga ko ang aking iniinom saka tumalikod na. Ayokong manatili pa rito. Sa aking pagharap sa aking likuran ay siyang pagbungad ng isang lobong labis kong kinamumuhian.
Nagulat siya nang makita niya ako maging ang kaniyang Luna ay nabigla rin nang makita niya ako.
Lihim na tumaas ang dulo ng aking labi.
Natatandaan pa kaya ako ni Alpha Lupe?
Nagbigay galang ako sa kanilang dalawa.
"Let's go, Lupe." aya ng kaniyang Luna sa kaniya pero hindi siya nagpatinag dahil nakatutok ang tingin nito sa akin.
"You look familiar? It seems we have already met somewhere?" saad niya ng hindi inaalis ang tingin niya sa akin.
"Have we met before?" he asked.
Nakangiting humarap ako sa kaniya.
"Have you lose some of your memories, Alpha Lupe?" makahulugang sambit ko.
Lihim na dumako ang tingin ko sa kaniyang Luna nang humawak siya sa kaniyang braso. Marahil takot saying maagaw ko ang kaniyang Alpha.
Yucks! Thinking of that makes me want to vomit.
This man is not worth my time.
"What do you mean?" nakakunot na tanong ni Alpha Lupe.
"Good evening, my fellow wolves." Ang lahat ay napalingon sa pinagmulan ng boses na iyon.
Sa aking pagtingin sa unahan. Nakita ko si King Klarkes kasama ang kaniyang Queen at ang prinsepe.
Dumako ang tingin sa akin ni Zeeb. Tinaasan ko siya ng kilay ng ngumiti siya nang makita ako.
Muli akong tumalikod at nilagpasan na ang mga kausap ko. Napabuntong hininga na lamang ako habang lumalakad palayo.
Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. Baka hindi ako makapagtimpi pa ay magawa ko na talaga ang matagal ko ng gustong gawin.
Malapit na akong makalabas sa pinto ng palasyo ng mayr'ong nagsalita.
"You are leaving." ani ng taong nakasandal sa gilid ng pinto.
Umalis siya sa pagkasandal saka humarap sa akin dahilan para siya ay makilala ko.
"Tsk!" tanging tugon ko saka nagpatuloy sa aking paglalakad.
Muli akong nahinto sa aking paglalakad ng hinawakan niya ang kamay ko na mabilis kong hinawi.
"Let's talk," wika niya,
"We have nothing to talk about, Alpha Zeeb." malamig kong tugon.
"Didn't we end whatever connection we had?" I added.
"You know already that I won't accept it." seryosong giit niya.
"Accept it already and ever come near with me." sambit ko,
Lihim na tumingin ako sa isang madilim na sulok.
Napangisi ako saka pinalabas siya sa kaniyang kinatataguan.
"Alpha Lupe?" taas kilay na wika ni Alpha Zeeb.
"What are you doing here?" Zeeb added.
Tumayo si Alpha Lupe na tila nahihiya siya.
"Nothing. Napadaan lamang ako then I saw both of you." sagot niya.
"Both of us? Why would you need to hide? You can approach us." malamig ay masungit na sambit ni Zeeb.
Naiiling na lamang ako. Tinalikuran ko silang dalawa. Tuluyan na akong nakalabas sa palasyo.
Napapikit ako sa inis ng mayr'ong humawak ulit sa akin. Inis na naimulat ko ang aking mga mata. Sisilyakan ko sana siya pero napansin kong nasa ibang lugar na kami. Nasa loob kami ng isang ---- bahay?
Lumapit ako sa bintana saka sumilip sa labas. Nangunot ang aking noo dahil nasa mataas na parte kami.
A tree house?
In the middle of forest?
Nasa labas lang kami ng palasyo kanina, tapos ngayon narito na kami sa loob lamang ng ilang segundo?
Mabilis na dumako ang tingin ko kay Zeeb.
"I have an ability to teleport." ani niya na tila nahulaan niya ang nais kong malaman.
Maliban sa kapangyarihan niyang yelo ay mayr'on pa siyang ibang kakayahan?
Tsk! Perks of being pureblooded werewolf.
"That's why you found me easily when I was in heat." taas kilay kong saad saka sumandal sa bintana.
This tree house is kinda nice.
Sa gitna ay mayr'ong isang higaan at sa tingin ko ang ibaba ay ang kusina or something.
"Not that easily. I need to follow your scent in order to find you." sagot niya.
"My scent?" tanong ko muli.
"As your mate, I smell your scent." sambit niya,
"You can still smell me? Even though I rejected you," I stated.
"I am, but not as strong as when I first met you. I didn't accept your rejection, which is why I still smell your scent." he responded.
Why didn't I smell him?
Kung hindi sa akin sinabi ni Lou na siya ay ang aking mate ay hindi ko malalaman.
"Why did you bring me here?" tanong ko nang maiba naman ang topic namin.
TheKnightQueen