AIRAM PAULEEN "Tay, ngayong magaling ka na, magpapaalam na sana ako sa iyo. Kailangan ko munang pumunta sa Maynila para magtrabaho at mabayaran ang mga utang natin," sabi ko kay Tatay. Hindi pa siya masyadong nakakapagsalita ng maayos, pero okay na siya. Naging mabilis ang pag-recover niya pagkatapos ng isinagawang operasyon sa kanya. Nakita ko ang pag tulo ng luha ni Tatay, kaya nilapitan ko siya. "Tay, wag ka na pong umiyak, babalik din naman ako at dadalawin ko rin kayo. May sorpresa nga po pala ako sa inyo." nakangiti kong sabi kay Tatay. Binuksan ko ang bag ko at inilabas mula doon ang isang brown envelop. "Bago po ako umalis, gusto ko po munang ibigay sa inyo ni Nanay ang regalo ko." nakangiti kong sabi sa kanila sabay abot ko ng brown envelop. "A-ano to anak," may halong ngin

