THIRD PERSON "Boss, bakit naman naging ganun ang treatment mo kay Miss Pau kahapon? Masyado ka naman yatang masakit ang mga sinabi mo sa kanya," sabi ni Steve sa kanyang boss. "Hayaan mo siya, para alam niya kung saan ang lugar niya. Hindi ko naman kailangang maging mabait sa kanya; in the first place, ang laki ng inilabas kong pera sa kanya." ani ni William sa kanyang assistant. Hindi na sumagot si Steve sa kanyang amo, alam niya pagdating sa babae ay wala itong pakialam. Naaawa lang siya kay Pauleen dahil alam naman niyang mabuti at mabait itong babae. "Steve, tawagan mo si Airam, sabihin mo na mag ayos na. Gamitin at isuot niya yung damit na pinadala ko sa penthouse. Susunduin ko siya mamayang 6 p.m para doon mag dinner sa bahay nila Lolo." utos pa nito kay Steve. Tumalima naman

