AIRAM PAULEEN Parang isang panaginip ang lahat, nagising akong katabi ko si William. Kinurot-kurot ko pa ang aking sarili. "Totoo ba ito? Magkatabi kami ni William?" muli kong tanong sa sarili ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na magkasama kami ngayon dito sa silid niya. Dahan-dahan akong tumayo para bumaba sa kama. Ayaw kong makagawa ng kahit na anong ingay para hindi siya magising. Pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong sigawan. "What the f**k? What are you doing here in my room?" pasigaw niyang sabi sa akin. "A-ah, e-eh," hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya; naunahan ako ng takot sa pagsigaw niya. "Wala ka na bang ibang sasabihin kundi 'ah' at 'eh'? Who gives you the authority to sleep here in my room?" puno ng galit ang boses niya. "Seryoso ka ba? Wala kang maalala kag

