WILLIAM Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako ni Airam, tuwang-tuwa akong inaasar siya. Masaya ako kapag napipikon siya sa akin, kapag nagagalit siya ay mas lalo ko pa siya gustong asarin. Nagising ako na katabi siya naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagtayo sa aking kama, kaya naisipan kong lokohin siya. Kunwari ay nagulat ako kung bakit katabi ko siya at sinabi ko na wala akong alam sa nangyari kagabi. Tawang-tawa ako nang makita ko na galit na galit na siya sa akin; pakiramdam ko, gusto niya na akong sakmalin dahil sa inis niya. Lumabas siya ng silid ko na galit na galit sa akin. That's what makes Airam very different from other girls. She can shout at me, at hindi ko alam bakit pinapayagan ko siyang gawin iyon sa akin. Knowing myself, ayaw ko ng sinisigawan ako ng ibang tao,

