AIRAM PAULEEN Nagulat ako ng kasama na ni William si Shylo, dahil sa labis na pagkatuwa ko ay niyakap ko siya ng magkita kami sa presinto. Bumitaw lang ako ng mahimasmasan ako. Nag usap kami na ngayong araw ko na lang siya ipapakilala sa mga anak niya. Wala na akong choice kundi sabihin sa kanya ang totoo, hindi man nagtatanong ang mga anak ko, alam nila na hindi si Steve ang totoong daddy nila. Hindi ko inaasahan na maaga siyang pupunta dito sa bahay nakita ko na lang na kasama na siya ng kasambahay namin. Ibinilin ko naman sa kanila na papasukin na lang siya kapag dumating. "Ang aga mo naman yata?" seryoson kong tanong sa kanya. "Maupo kana, sumabay ka na sa aming kumain. Mamaya na tayo mag uusap pag katapos nating kumain." Sabi ko sa kanya. Nakita kong napangiti siya, pero wala ako

