WILLIAM MILLER Wala na akong gustong sabihin pa kay Airam, nagulat ako sa yakap niya pero kinuha ko rin yong pagkakataon para yakapin siya pabalik. Ilang taon ko itong pinanabikan, inasam na sana isang araw muli ko siyang mayakap sa aking mga bisig. At ngayon nga ay dininig na ng diyos ang lahata ng mga dasal ko. Akala ko hindi ko na siya muli pang makakasama pero heto siya ngayon sa harap ko at yakap-yakap ko. "Teka nga, bakit ka nakayakap sa akin?" bulong ni Airam. "Ikaw naman kasi unang yumakap sa akin, gumanti lang ako." Sagot ko sa kanya pero nakangiti ako. "Kung gusto mong makita ang mga anak mo puntahan mo na lang sila sa bahay at doon tayo mag usap. Hapon na kay kung pwede bukas mo ka na lang pumunta para makapagpahinga muna si Shylo." sabi ni Airam. "Please, hayaan mo sana na

