WILLIAM MILLER Habang hawak ko ang bata ay patuloy lang syang umiiyak, gusto ko siyang ihatid sa mommy niya pero ayaw niya naman sabihin kung ano ang pangalan ng mommy niya. "Baby, what is your name?" maamo ang boses na tanong ko sa kanya. "Shylo," maliit ang boses na sagot niya. "Saan ka po nakatira? Para maihatid na kita sa mommy mo." Muli kong tanong. Ilang ulit ko siyang tinanong pero hindi siya sumasagot. Hindi ko alam kung hindi niya ba ako naiintindihan o sadyang hindi niya alam kung saan siya nakatira. "Shylo, do you want to come with me?" muli kong tanong sa kanya. Hindi ko kayang iwan siya ditong mag-isa; baka may masamang tao pang kumuha sa bata at mas manganib ang buhay niya. "I'm hungry na po. Can you give me some food?" humihikbi niyang sabi sa akin. Binuhat ko siya a

