NATULOY NGA ang pag-uwi niya ng province habang nasa Pasig naman si Ronnie. Kahit long distance sila ngayon ay buo ang pagtitiwalang ibinibigay nila para sa isa't isa. Sa ngayon ay pinili na muna nilang maging lowkey sa kanilang relasyon, na para sa kanila ay iyon ang bagay na magbibigay sa kanila ng privacy. Hindi naman kasi talaga lahat ng kaganapan sa buhay ay dapat ipinapaalam sa social media, lalo na ngayon at magkalayo sila. For sure, maglalayag na naman ang kanilang mga fans sa kalungkutan. "Kumusta naman ang mga kaganapan dito?" masiglang katanungan niya. At doo'y napansin niya na tila nanahimik ang kaniyang kuya at ina. "Hello? May kasama ba ako?" Kumaway-kaway pa siya sa dalawa. Hanggang sa kusa nang sumagot ang kaniyang ina. At doon niya nalaman na mas matindi pala ang pinagd

