INABOT NA sila ng alas diyes ng gabi sa panunuod ng zombie movie kasama ang masayang foodtrip. At aaminin ni Ellie na sobrang na-miss niya ang presensya ni Ronnie, lalo na ang kakulitan nito. Hanggang sa bigla na lamang bumagal ang connection dahilan para mainip sila sa kahihintay. "Sayang! Nandoon na sana tayo sa exciting part, e!" bulalas ni Ellie gayong halatang atat na atat sa susunod na eksena. Sobrang nakaka-enjoy naman kasi talagang manuod ng zombie movies lalo na't nakaka-hook ang bawat eksena. "Kaya nga," pabuntong hininga na sabi ni Ronnie. "Pag ganiyan katagal ay parang ang sarap na lang matulog dito sa kama mo." "Hoy, wala munang matutulog! Tatapusin natin 'to. Ginusto mo 'to, 'di ba?" napapangising panghahamon pa niya. Kaya naman dahil doon ay nagawa niya munang i-turn

