HABANG ABALA ang buong production sa pagti-taping ay sinamantala nina Lanie at Eunice ang kanilang masamâng plano. At dahil nataong walang katao-tao sa mga guest room na naroon ay kinuha nilang tamang pagkakataon 'yon para maisagawa ang plano. Doo'y lumapit si Eunice kay Renz Joaquin upang kausapin ito nang sandali itong lumayo kay Francine Toledo upang mapanood nang mabuti ang ginagawa nina Ellie at Yohan na silang bibida sa upcoming series na ipalalabas sa RTV. "Ahm, Renz? Gusto ka nga pa lang kausapin ni Lanie." Takang napalingon si Renz kay Eunice. "Lanie? Si Lanie Fernandez?" Napatango naman agad si Eunice. "E, nasaan siya?" Hindi sumagot si Eunice at sa halip ay hinayaan niya itong sumunod sa kaniya hanggang sa tapat ng guest room. "Pumasok ka na lang sa loob at hinihintay ka

