SA isang silid kung saan nandoon si Eiji, ang kapatid nito na si Hisae, si Lucan, JS, at si Zari; ay tahimik lang na naghihintay ang lahat sa pagdating ni Hellmohr. Sa araw na ‘yon magaganap ang general meeting nila ng grupo nila na ginagawa lang nila sa loob ng kada dalawang buwan. Ang meeting na ‘yun ay isinasagawa upang ipaalam kung may papasok na ba na panibagong member sa grupo nila o kabaligtaran; kung may mapapaalis. Mga upcoming businesses. Doon din mapag-uusapan kung may issue ba ang bawat member na kailangang bigyan ng aksyon, kung bibigyan ng parusa o hindi. Idagdag pa na doon din ina-announce kung may party ba ang underground na kailangan nilang puntahan. Lahat nang mangyayari sa meeting na ‘yun ay nakasalalay lang lahat sa kanilang leader na si Hellmohr. Kahit na general mee

