WALANG mababakas na emosyon sa mga mata ni Fevor nang batuhan niya nang tingin ang kaniyang nagri-ring ng cellphone. Kasalukuyan lang siya ngayon na nakasakay sa backseat ng kaniyang kotse habang nasa unahan ang kanyang driver at si Philip, ang kanang kamay niya. Halos kararating pa lang niya sa Pilipinas ng oras na ‘yon. Pumunta kasi siya sa China upang isara ang isang malaking dr*g deal doon. Pwede naman niyang ipadala na lang si Philip nang mag-isa sa China dahil hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap sa nawawala niyang laruan... pero dahil malaking halaga nga ang nakasalalay doon kaya wala siyang ibang choice kung hindi ang pumunta doon. Nang makita niya kung sino ba ang tumatawag sa kaniya ng mga sandaling ‘yun ay hindi niya maiwasan na mapakunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam

