CHAPTER 120 Ito na nga ang sinasabi ko eh. Nagkamalay agad siya. Kung mamatay tao lang sana kami ni Zeke, inunahan na namin siya. Pinagtulungan na naming patayin ngunit hindi kasi kami ganoong klaseng tao. Wala sa amin ni Zeke ang kayang pumatay kagaya ni Kai. Bahala na. Kailangan naming makatakas! Iyon na muna ang aming dapat gawin. Mabuti na lang at malapit na rin naman kami sa baba kaya pagkababa pa lang namin ay tinungo namin agad ang pintuan. Bang! Muling umalingawngaw ang malakas na namang putok. "Bang!" "Tinamaan ka ba?" tanong ni Zeke nang mapansin nito ang pagtigil ko at pagsapo sa aking balikat. Basa. Kahit hindi ko man nakikita ay alam kong dugo na iyon. Hanggang sa ramdam kong may masakit. Hindi ko siya sinagot. Hindi niya dapat malaman na tinamaan nga ako. Ayaw kong ma

