CHAPTER 119 Nang mga pagkakataong iyon. Natakot ako para sa aking sarili. Natakot ako para kay Zeke. Kailangan kong mag-ipon ng lakas. Kailangan kong gamitin ang aking talion para magamit ko kahit yung naiiwan naming katiting na pag-asa. "Kasalanan mo kung bakit kailangan umabot sa ganito ang lahat Zeke. Ginawa ko ang lahat para lang mahalin mo ako. Para lang magustuhan mo pero hindi ka makausap nang maayos, hindi rin naman pala kita puwedeng maging akin lang eh tapusin ko na lang kayo ng babaeng ito. Kung hindi pala ako bumalik, hindi na pala kita maabutan dito! I’ll never ever give you a chance to escape, Zeke. Hindi kayo makatatakas sa akin! Bago pa mangyari iyon, tapusin na lang kita! Tapusin ko na lang kayo nitong dati ko lang naman na katulong. Ang cheap mo! Sa isang dating katulon

