Lysanne's POV "Ang tigas ng bungo mo, bessy! Hindi ka pa nga magaling, pumasok ka na! Aba't mabibinat ka talaga mamaya sa TLE! Magpapa-garden daw si Sir! Tignan mo ang init sa labas, wala pa naman tayong mga dalang payong!" Nag-aalalang saway sa akin ni Tootsie. Ang aga-aga, pinapagalitan niya na ako eh :( Time check- 6:31 AM See? Anim pa lang kaming naririto sa classroom ngayon. Ako, Tootsie, Mars, at 'yong tatlo pa naming kaklase na nakaupo sa harapan. Wala pa sina Shaheen at Ali. "Dalawang araw na akong absent, Toots. Kapag umabsent pa ako ngayon, baka mahirapan na akong humabol ng mga nasayang na grades." Inaantok paring sagot ko sa kanya. Magaling na ako e. Wala na 'yong ubo ko pero ayaw pa rin akong iwan ng lagnat ko :( "OA ka, bessy. Hindi naman nagpaquiz ang mga teachers nit

