9

849 Words
~ ~ ~*Dianne's*~ ~ ~ Paakyat na ulit ako ng kwarto ni Enzo. Bumaba kasi ako para mag luto nang pagkain. Sobrang gutom na gutom na kaya ako. Medjo dinami ko yung luto ko para mag kasya kami ni Enzo dito Pagkapasok ko ng kwarto niya ay wala siya pero may naririnig akong pag patak ng tubig sa loob ng banyo kaya sigurado ako na naliligo siya ngayon. Pinatong ko yung dala ko sa study table niya tsaka tahimik kong hinihintay yung pag labas niya ng banyo. Mag papakabait muna ako sakanya dahil sobrang laki ng kasalanan na nagawa ko sakanya Ilang minuto pa ang nakalipas bago lumabas ng banyo si Enzo na pajama lang yung suot Teka bakit ang bilis naman ata ng oras ngayon?? Umaga na pala hindi ko napansin. May almusal na ako pandesal galing kay Enzo De biro lang. Yung abs ni Enzo ang tinutukoy ko. Wala na sakin kung ganun lang ang suot ni Enzo ngayon dahil sanay na naman ako jan sakanya. Noong mga bata pa kasi kami sabay kami niyan maligo kaya kita ko na ang lahat na tinatago ni Enzo may birthmark pa nga siya sa bandang likuran. "Krystal pinag nanasaan mo ba ako?" bumalik lang ako sa aking katinuan nung narinig ko yung boses niya "Wow ha!! Sino naman nag sabi sayo na pinagnanaasan kita?? Napatingin ako jan sa abs mo dahil na pansin ko na tumataba ka. Hindi na firm yung abs mo" "Pinagnanasaan mo talaga ako Krystal. Ayiie!! Wala naman akong sinabi na nakatingin ka sa abs ko. Ayiiiee!! Ikaw ha wag kang mahiya sakin Krystal sabihin mo kung gusto mong hawakan yung abs ko. Hindi ko naman to ipinagdadamot sayo. Ano pa ba yung silbi ng pagiging matalik nating pagkakaibigan kung sa maliit na bagay ay ipagdadamot ko pa sayo" mapangasar niyang sabi sakin "Pssh!! Mangarap ka Enzo. Mag bihis ka na nga para makakain na tayo" pag iba ko ng usapan dahil kapag papatagalin ko pa itong pinag uusapan namin baka kung saan pa to mag punta tsaka feeling ko sobrang pula na ng mukha ko Pinagnanaasan ko ba talaga yung katawan niya?? Hindi naman diba?? Pag tingin lang naman yung ginawa ko yung parang dinodouble check ko lang kung may na wala bang abs niya. Hay!! Ano ba tong iniisip ko. Erase erase erase!! "Pwede bang makain to?" tanong niya sabay upo sa tabi ko habang sinusuot yung shirt niya "Aba syempre naman. Anong akala mo sakin?? Tsaka pinaghirapan ko kaya ito" "Talaga lang ha sa huling pag kakaalam ko kasi hindi ka marunong mag luto" Tama po siya. Hindi talaga ako marunong mag luto. Sa katunayan nga nag paturo kami ni Enzo kay tita Xyla mag luto kaso hindi ko talaga trip ang pag luluto kaya hindi na ako pumunta ulit kila tita Xyla para mag paturo. Ang gusto ko lang kasi ay yung kumain ng kumain "Pssh" naisagot ko. Inabangan ko talaga yung pag subo niya dahil hinihintay ko ang magiging komento niya sa second dish na niluto ko sa buong buhay ko. Ngunit wala pang isang segundo sa loob ng baba niya yung pagkain ay niluwa niya na ito "Tinawag mo itong pagkain?" tapos parang nasusuka siya Ganun ba kapangit yung niluto ko para sakanya?? "Tssk. Itapon na natin yan. Baka sumama lang yung pakiramdam mo kung uubusin mo pa. Kung nagugutom ka talaga tara bumaba tayo dahil mag luluto ako" sabi niya sabay tayo tsaka kinuha yung pagkain. Nauna siyang nag lakad palabas habang dala dala yung mga pagkain Nakasunod lang ako sa likuran niya hanggang sa makarating na kami sa kanilang kitchen "Umupo ka lang jan. Mabilis lang to" Kaya naman umupo ako sa dining table na malapit sa kitchen nila. Mula sa kinauupuan ko ngayon kitang kita ko kung ano yung ginagawa niya. Nilagay niya muna sa sink yung mga pagkain na dala ko bago niya isinuot yung apron Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaksyon ko sa pag luluto niya sakin ng pagkain ngayon. Mag papasalamat ba ako sakanya dahil siya ang gumagawa neto para sakin o magagalit dahil parang iniinsulto niya ako dahil ang pagluluto ay ginagawa ng mga babae pero heto ako kahit simpleng pagluluto lang ay hindi ko magawa. Babae nga ba talaga ako?? Makalipas ang 15 minutes ay nasa harapan ko na ang pagkain. Hindi ko alam kung ano yung tawag dito pero pasta siya na walang sauce tapos merong beef with matching gulay sa gilid "Olive oil tsaka asin lang yung nilagay ko sa pasta pero kung sasabayan mo yan ng beef masarap yan. Tikman mo" nakatingala ako sakanya nung sinasabi niya yun. Pano ba naman kasi yung mokong sa gilid ko pa talaga siya tumayo Hinubad niya muna yung apron niya bago umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko "Kain ka" siya 0.....0 "Ano?? Masarap ba??" ^----^ "Enzo sobrang sarap. Kanino mo nalaman to?" "Wala sakin lang. Mabuti naman at nagustuhan mo" "Sobrang nagustuhan ko" sabay thumps up sakanya. Hindi ako nag bibiro guys!! Sobrraaanng sarap talaga. Promise!! "Krystal mag hinay hinay ka lang baka mabilaukan ka niyan" "Hihi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD