~ ~ ~*Dianne's Pov*~ ~ ~
"Okay class I know na kakatapos lang ng exams niyo at alam ko rin na yung iba jan ay hindi pa nakaget over sa mga grades na nakuha nila pero kailangan kong sabihin sainyo na mag bibigay ako ng project. By pair ang gagawa kaya for the meantime kailangan niyong pumili ng kapartner niyo isulat niyo ito sa 1/4 piece of paper ang mga pangalan niyo tapos ipasa niyo sakin. I'll give you 5 minutes"
Pssh!! Project na naman?? Hindi na ba sila napapagod sa kakacheck ng mga yun??
"Ah Dianne may kapartner ka ba?" tanong sakin ng isang kaklase ko na nakaupo sa tabi ko
"Wala." walang gana kong sagot
"Gusto mo bang dalawa na lang tayo sa pag gawa ng project na to" halatang natatakot siya sakin. Dapat lang!!
"K!" napansin ko na sinulat niya kaagad yung pangalan ko sa 1/4 paper niya. Nerd siya kaya walang may gustong makapartner siya. Alam niyo naman kung gaano ka aarte ang mga estudyante dito. Nung natapos na siya sa pagsulat ng mga pangalan namin ay agad siyang tunayos tsaka pinasa na ito sa guro namin
"Nakapasa na ba ang lahat?" Prof sabay taa ng mga papel
"Yes" lahat ng kaklase ko
"Malapit na ang pasko kaya lahat kayo ay dapat mag papakita ng inyong talento sa christmas party ng university at yun ang magiging proyekto niyo. Ang mga audience ang mag bibigay ng inyong grades para dito"
"Ma'am bat ang bilis naman ata"
"Ma'am dapat sinabi niyo na samin noon"
Reklamo ng karamihan
"Alam ko na maliit lang yung oras niyo para pag handaan niyo ang mga gagawin niyo kaya naisip ko na lahat ng mga remaining meetings natin sa subject na to ay ibibigay ko para sa paghahanda niyo. Remember nakasalalay dito ang grades na makukuha niyo kaya I think gawin niyong kakaiba ang ipapalabas niyo. So any questions?"
Tinaas ko yung kaliwang kamay ko
"Yes Ms Valdez?"
"Ma'am pano kung ang pag patay ng tao ang talent na ihahanda namin?"
Nagsitawanan naman yung mga kaklase ko
"Ms Valdez hindi ito ang oras para sa mga biro mo" nag uusok na ang butas ng ilong ng prof ko but im fine with it
"Im not joking." Relax na sagot ko na nakatingin ng derecho sakanyang mga mata
">_Tama lang yan Krystal. Magalit ka sakin hangga't sa gusto mo. Mas pipiliin ko pang magalit ka sakin para mas madali kitang pakawalan
"Ibig mo bang sabihin parang isang virus lang ako sa buhay mo? Na nag papagulo sa tahimik mong buhay"
Hindi ka virus sa buhay ko Krystal sa katunayan isa kang battery sa buhay ko. Nanatili akong nabubuhay dahil nanjan ka sa piling ko at sa tingin ko hindi ako mabubuhay kung wala ka. Pero hindi ko naman kayang pigilan kang maging masaya sa taong mahal mo
"Oo at gusto ko munang mag pahinga sa virus na naiidulot mo."
Nakita ko kung gano siya nasaktan sa sinabi ko. Im sorry Krystal pero ito lang yung naisip kong paraan para kusa kang mapalayo sakin.
Mabilis niya akong tinalikuran at tumakbo palabas ng cafeteria habang ako naman ay nanatiling nakatayo kung saan niya ako iniwan.
Hangga't maaga pa kailangan ko siyang iwasan bago ko pa mapigilan itong nararamdaman ko sakanya. Ayaw kong masira ang pag sasamahan namin ni Krystal pati narin yung pag sasamahan namin ni kuya Alex
Nawalan na ako ng gana kumain at pumasok ng klase kaya naisipan kong umuwi na lang para makapag hinga
~ ~ ~[12pm]~ ~ ~
Hating gabi na at hindi parin ako makatulog. Ilang pages ng libro na ang nabasa ko pero hindi parin ako makatulog. Hindi parin kasi maalis sa isipan ko yung sinabi sakin ni kuya Alex nung gabing naiuwi niya na si Krystal sa kanilang bahay
{Flashback}
"Kuya anong ginawa niyo kanina?? Hulaan ko. Nakagawa na naman siya ng gulo no?"
Tahimik lang siya nandito kasi kami sa isang park mag hahating gabi na pero pinuntahan ko parin si kuya
"Sabi ko na nga ba. Napaka warfreak kasi niyang babae na yan. Tapos napaka childish pa tapos sobrang bipolar niya"
"I like your friend Enzo. Gusto ko yung pagiging totoo niya. And i'm looking forward to meet her again"
"What??"
"I want to date her. I don't see her as a child but I see her as I woman"
~ ~ ~{end Of flashback}~ ~ ~
I want to date her
Yan yung mga salitang tumatak sa aking isipan. Sana ganun din ako ka lakas para sabihin sakanya na gusto ko siyang maka date. Na gusto ko siyang maging girlfriend hindi bilang isang kababata kundi isang kasintahan
Napansin ko na may tumatawag sakin. Nakita ko na si Krystal yung tumatawag sakin.
"Bakit ka napatawag. Alam mo ba kung anong oras na?" Bungad ko
(Enzo I need your help)
○.○
Bigla akong nataranta nung narinig ko yung boses niya. Masama yung pakiramdam ko dito
"Anong problema?"
(Parang may sumusunod sakin ngayon. )
"What?? Nasa labas ka ngayon ng ganitong oras?? Teka nasaan ka? Susunduin kita" nataranta akong tumayo at agad sinuot yung tsinelas ko at kinuha yung susi ng big bike ko
(Nasa *** ako ngayon. Naubusan ako ng gas kaya naisipan kong mag lakad. Kanina pa siya nakasunod sakin Enzo. Natatakot ako baka kung anong mangyari sakin dito)
"Okay listen Krystal wag mong ipahalata sakanya na natatakot ka. Patuloy ka lang mag lakad jan papunta na ako. Wag mong ibababa ang tawag. Hintayin mo ko"
Tumakbo ako pupunta sa garage namin
Pero kung minamalas ka nga naman ngayon pa nasira yung big bike ko. Wala na akong naisip gawin kung hindi ang tumakbo na lang kung saan si Krystal. Medjo may kalayuan ito sa bahay namin pero kailangan ko itong gawin bago pa siya mapahamak.
Dahil sa kakatakbo ko ng mabilis ay nasira yung tsinelas na suot suot ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang tumakbo na walang suot na tsinelas. Tiniis ko yung sakit sa paa ko sa tuwing may na aapakan akong maliit na bato
"Krystal na saan ka?" Kahit na hihingal na ako ngayon pinilit ko paring mag salita
~ ~ ~*Krystal's Pov*~ ~ ~
(Krystal na saan ka?)
"Nandito sa *** may nakikita akong malaking puno dito. Enzo nasaan ka na?? Natatakot na ako" mahigpit akong nakahawak sa cellphone ko.
Ito yung unang beses na nakaramdam ako ng sobrang takot sa buong buhay ko.
Balak ko lang naman na mag labas ng sama ng loob sa isang tahimik na lugar kaya ako ginabi ng ganito. Kaso hindi ko naman inaasahan na masisira yung kotse ko kaya naisipan kong mag lakad na lang pauwi ng bahay. Napansin ko na may sumusunod sakin wala akong may naisip na hingan ng tulong kung hindi si Enzo na lang. Wala dito yung mga magulang ko. Ayaw ko namang isturbuhin si kuya Alex kaya si Enzo yung tinatawagan ko ngayon
Kanina pa akong nag lalakad dito. Hindi ko alam kung saan ang punta ko basta ang alam ko lang ay makatakas na ako sa lalaking ito
"Enzo asan ka na?" Pag ulit ko. Naririnig ko yung pag hinga niya sa kabilang linya
Hindi nag tagal nakita ko na siyang tumatakbo papunta sakin. Agad niya akong niyakap nung nakalapit na siya
"Nahanap din kita" sabi niya at alam kong nahihirapan siya sa pag hinga dahil sa pagod niya sa pagtatakbo "tara uwi na tayo" patuloy niya sabay kawala ng pagkayakap niya sakin tapos umakbay siya sakin.
Nahalata ko rin na nahirapan siya sa paglakad kaya inalalayan ko siya. Puno rin ng pawis yung mukha niya. Napansin ko na may mga sugat siyang natamo sakanyang mga paa
"Enzo tumakbo ka ba na walang suot na tsinelas?"
"Nasira nung tumatakbo ako para mahanap kita. Mabuti na lang at ligtas ka"
Biglang sumama yung loob ko sa ginawa ko kanina sakanya.
~ ~ ~{Defensor's Residence}~ ~ ~
"Aray Krystal tama na nasasaktan na ako" reklamo niya
"Teka malapit ko na tong matapos" ako habang nasa pag lilinis parin ng mga sugat niya yung atensyon ko
"Krystal yan rin yung sinabi mo kanina e" rwklamo pa niya mas diniin ko yung hawak kong cotton ball sa sugat niya
"Krystaaaaaaaaaaaallllllllllll!!!"