Caia’s POV
Napalunok ako dahil sa narinig ko.
D*mn. Does that mean na tama si Manong at ako ang mali?
Pero… paano akong magkakamali sa address mismo na lagi kong binababaan kapag umuuwi ako?
At sa pagkakaalala ko ay tama naman ang mga establishments na nakapaligid puwera lang talaga sa kabilang bahagi kung saan ay sinakop na nang mataas na building na nakatayo ang lugar na dapat ay daan papunta pati na sa mismong kinatatayuan ng bahay namin.
Pumikit ako nang mariin at nasapo ang noo ko.
What is really happening and where the hell am I?
"Hey, are you okay?" Mabilis ang kilos na nakalapit at tanong sa akin ni Doc.
Humugot ako ng hangin upang kalmahin ang sarili ko bago tumango. "Nasa Pilipinas naman ako, r-right?" tanong ko at paninigurado dahil sa litong-lito na ang isip.
Ngumiti nang magaan si Doc at natawa nang bahagya. "Oo."
"Kung gano'n... nasaan akong parte ng Pilipinas?"
“Cubao.”
Halos manlaki ang ulo ko sa naging sagot nito.
"Huwag mong sabihing naligaw ka? Bago ka lang bang salta rito?" tanong nito kapagkwan nang hindi ako nakakibo.
"O-Oo…" tugon ko, hindi ko na kasi alam ang isasagot ko at para naman talaga kasi akong naliligaw.
"Kaya naman pala mali ang address na sinasabi mo."
"Pero kailangan na nating makontak ang pamilya mo, baka hinahanap ka na nila," sabat ni Rashiel.
Tumayo ito at lumapit sa pwesto namin ni Doc.
Nabaling ang tingin ko rito.
"Here, gamitin mo muna ang phone ko para masabihan mo sila na maayos lang ang kalagayan mo at kung nasaan ka na rin."
Kahit na naninibago sa pagiging malumanay at tila ba biglaang pagiging mabait nito ay hindi ko na iyon ipinahalata pa.
Baka kasi akala ko lang na mabait na ito, ‘yun pala kaya lang nito ginagawa iyon ay upang maidispatsa na ako, hindi ba nga at atat na atat ito kanina pa na paalisin ako?
Inabot ko ang telepono na inaalok nito at nag-dial ng numero upang kumonekta sa bahay namin, ngunit sa pagtataka ko ay wala akong makontak dahil mali raw ang numero!
Kalma lang, Caia. Baka may isang numero ka lang na namali nang pindot.
Tinignan ko tuloy muli at sinigurado ang numero na nai-type ko sa pagbabaka-sakaling mali iyon pero ang nakakagulat ay tama naman, inulit ko na lang tuloy muli ang pag-dial pero wala talaga.
Nanginginig ang kamay na sinubukan ko naman ang numero ni Papa, sumunod pati ang kay Manang Estela, pero ang masaklap ay wala pareho. Mga incorrect daw ang numero.
Naguguluhan na tinignan ko ang telepono. “S-Sira yata itong phone mo.”
“Buo ‘yan, kakagamit ko lang niyan kanina para tawagan 'yung assistant ko,” tugon ni Rashiel.
"P-Pero bakit gano’n? Bakit hindi ko sila makontak?"
"Huh? Are you serious? Sa dami noong numero na nai-dial mo ay wala kang makontak kahit isa sa kanila?"
Umiling-iling ako. "W-Wala talaga dahil puro incorrect da ang numero..." sagot ko at ibinalik na ritong muli ang telepono nito.
Kunot-noo naman nitong tinanggap iyon pagkatapos ay tumingin kay Doc na nakatingin din dito.
Ibinaling ni Doc ang mata sa akin kapagkwan at ngumiti noong makita na nakatingin ako rito. "Huwag mo na munang i-stress ang sarili mo. Makokontak din natin sila, okay? Gagawa tayo ng paraan."
Kahit na hindi sigurado ay tumango ako.
Sana nga magawan ng paraan…
"Pero sa ngayon, dito ka na muna, hmm?" sabi pa nito.
"Per—"
Putol ni Doc sa kung ano mang pagpoprotesta ni Rashiel, "Kung ayaw mo naman o ayaw ni Rashiel na pumarito ka na muna, puwedeng sa bahay ko na lang ikaw tumuloy pansamantala. Ang kaso lang ay wala kang kasama roon dahil mas madalas ay nasa ospital ako, pero puwede ko namang i-check ang kondisyon mo thru phone call," nagmamagandang-loob na sabi at alok nito.
Nagkatinginan tuloy kami ni Rashiel.
Lumunok ako dahil ang awkward kahit na wala naman dapat akong ika-awkward.
"O-Okay lang din kahit na dito na muna siya,” singit ni Rashiel na mukhang tinalaban ng kosensiya dahil sa hantaran na kabaitan ni Doc.
Teka, ba't biglang nagbago yata ang ihip ng hangin?
Pareho tuloy kaming hindi nakakibo ni Doc dahil sa hindi namin inaasahan na mga salita na lumabas sa mismong bibig ni Rashiel.
“K-Kung saan niya gusto, b-bahala siya," patuloy pa nito na iniiwan ang desisyon sa akin.
Lumunok akong muli.
Where should I stay? Kaninong pamamahay at alok ang pipiliin ko?
Natigil ang pagtingin ko kay Rashiel noong tumayo na si Doc at ipinatong ang kamay sa ibabaw ng ulo ko. "Sa ngayon, dito ka na muna talaga dahil sa naka-dextrose ka pa naman. Kung makakapag-decide ka kung saan ka titigil kapag natanggal na 'yan mamaya or bukas... ikaw na ang bahalang magdesisyon at pumili kung dito ka muna or sa bahay ko ikaw mag-i-stay habang nagpapalakas at kinokontak natin ang pamilya mo."
"T-Thank you…" sinserong pasasalamat ko.
Umiling-iling si Doc. "No, you should thank Rashiel first before me. He's the one who’s taking good care of you kapag wala ako, siya ang nagbabantay sa iyo at nagpo-provide ng mga needs mo."
Nilingon ko si Rashiel na biglang nag-iwas ng tingin sa akin.
Is that really true?
"Bakit ganyan kang makatingin sa akin?" usisa ni Rashiel patungkol sa akin na halatang hindi komportable sa sitwasyon, sa tingin ko at sa mga narinig mula kay Doc.
Kahit na hindi ito nakatingin sa akin ay umiling ako bago binigyan ito nang genuine na ngiti. "Wala naman... but, thank you, Rashiel. Thank you for saving me and taking care of me, kahit na hindi mo naman talaga ako kilala."
Sumimangot ito habang nakaiwas pa rin ang mata sa akin, "Drama ninyo, mga kamote. Makaalis na nga lang dito at nakakasuka ang pinagsasasabi ninyo," namumulang sagot nito at iniwan na nga kami ni Doc.
Natawa tuloy kaming pareho at nasundan na lamang ito ng tingin.
"He's a nice guy. Madalas ay nami-misinterpret lang talaga ng iba dahil sa sobrang brutal kung paano magsalita," sambit ni Doc.
Hmm… siguro nga? Kay Doc na kasi mismo nanggaling ang statement, e. Isa pa, iniligtas ako ni Rashiel, inalagaan at ito rin daw ang nag-provide para sa mga needs ko. Ipinapakita lang talaga niyon na mabuti itong tao.
At dahil thankful at grateful ako sa mga ginawa nito sa akin, sige na nga… palalagpasin ko na lang ‘yung mga pang-iinsulto at masasakit na salita na binitawan nito sa akin, baka mayroon lang itong pinaghuhugutan, mayroong pinagdadaanan sa kasalukuyan o baka nga katulad nung sinabi ni Doc ay stressed-out lang itong masyado sa buhay kaya ito gano’n kabrutal magsalita.
"By the way... ang tagal na nating nag-uusap pero hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ko sa iyo," pag-iiba ni Doc sa usapan.
Napangiti ako. "Oo nga, ‘no? Pero ang akala ko ay Doc na talaga mismo ang name mo dahil puro iyon ang naririnig kong itinatawag sa iyo ni Rashiel," biro ko.
Tumawa itong muli. "Hmm... puwede rin. Since, iyon naman na madalas ang itinatawag sa akin ng mga pasyente ko, saka nasa unahan naman 'yon ng totoong pangalan ko," pagsakay nito sa biro ko.
"Biro lang. Ano po ba ang totoong pangalan mo, Doc?” usisa ko.
"Wallaceter."
Naging alanganin ang ngiti ko.
Ang weird.
Naalala ko kasi ang isa ko pang karakter na kapangalan nito, hindi lang kapangalan kundi mukhang kasing bait din tapos doktor din iyon at kaibigan iyon noong paborito kong karakter na kapangalan naman ni Rashiel.
Ang galing naman, coincidence?
"Bakit hindi maalis-alis ang ngiti mo riyan? Hmm?" tanong nito.
Iniling-iling ko ang ulo ko. "May naalala lang ako sa pangalan mo. What's your surname?" tanong ko pa ulit.
"De Gracia."
Umawang ang labi ko sa gulat at nawalan ako ng kibo.
What the f*ck?
Bakit pati ‘yung apelyido? Coincidence lang ba talaga? Kung nagkataon lang, parang sobra naman.
Itinikom ko rin ang bibig ko kalaunan bago lumunok.
Tumawa rin ako kapagkwan upang maibsan ang nagugulo ko na namang isipan.
"Bakit ka tumatawa? May naalala ka na naman?" nawe-weird-an na tanong nito sa akin, hindi alam kung tatawa rin ba o ano.
Tumigil din ako sa pagtawa bago ito pinakatitigan. "Y-Yeah... pero may isa pa akong tanong, may kilala ka bang babae na Aletha ang pangalan, Doc?" tanong ko sa pangalan ng babaeng parehong gusto ng mga karakter ko na kapangalan nina Doc at Rashiel.
Natigilan si Doc, nangunot ang noo at napatitig sa akin kalaunan.
Nanigas naman ako dahil sa reaksiyon na nakita ko rito.
Don’t tell me… may kilala nga itong babae na gano’n nga ang pangalan?
Pigil ang hininga na nakuyumos ko tuloy ang kumot na nasa kama na ginamit ko kanina.
"Yes. Of course, I know her. She is Rashiel's friend and in fact, she’s my girlfriend. Bakit mo itinatanong? Do you know her? Do you happen to be her friend?"
Natigilan ako, ngunit literal na nanlaki kaagad ang mata ko, kasabay niyon ang bahagyang pag-awang ng labi ko dahil sa gulat sa narinig.
What the hell? Is he really serious? Bakit kapangalan lahat ng mga ito ang mga karakter ko?
Don’t tell me they are my…
Malakas na kumabog ang dibdib ko nang biglang may pumasok na ideya sa isipan ko, ngunit pilit ko iyong pinapalis dahil napakaimposibleng mangyari niyon.
Ipinilig ko nang sunod-sunod ang ulo ko dahil hindi maaari ang nahagilap kong paliwanag sana sa sarili kong tanong.
There’s no way na tama ang naisip ko, hindi talaga iyon puwedeng mangyari.
Pilit na kinalma ko ang utak ko bago nagsalita, "S-Si Rashiel…"
Kumunot ang noo nito. "Ano ang tungkol kay Rashiel?"
"Ano ang full first name niya? Rashiel Azul ba? Allegre ba ang apelyido niya?" patuloy na pagtatanong ko upang kumpirmahin kung pati ba ang buong pangalan ng paboritong karakter ko ay kamukha rin.
Lalong nangunot ang noo nito.
Dahil sa nakita kong reaksiyon nito, kahit hindi pa ito kumibo ay parang alam ko na ang sagot nito sa tanong ko.
"Oo. Akala ko ba ay hindi ka niya kilala at hindi mo siya kilala? But, how do you manage to know his whole name? Especially, 'yung Azul?" pagsasatinig nito sa tugon na inaasahan ko naman na at hindi ko na ikinagulat pa.