Caia‘s POV
"You do know her too, right?"
"Huh?" gulat kong tanong.
“With the way you look at her, I can tell that you know her too and I guess, malamang ay nakikita mo rin siya sa panaginip mo, katulad kung paanong nakikita mo ako,” paliwanag nito.
Nang hindi ako kumibo ay lumapit ito sa akin at sa hindi ko inaasahang aksiyon nito ay pinitik nito ang noo ko kaya napasinghap ako sa gulat at sa sakit.
"Aw! Masakit naman!" reklamo ko habang nakahawak at hinihimas ang nasaktang noo.
"Napaghahalataang alien ka talaga, e. You're always spacing-out," nakataas ang isang sulok ng labi na sabi nito.
Sinamaan ko ito ng tingin.
Samantalang ito naman ay mukhang amuse pa na nakatunghay sa akin, kung ano man ang kasalukuyang hitsura ko na hindi kaaya-aya at mukhang katuwa-tuwa naman para rito.
Tinigilan ko na ang paghimas sa noo ko at dinuro ito nang hindi na ako makatiis kalaunan. "H-Hoy! Pinagtatawanan mo ba ako?" matapang na sita ko.
Kumibot ang labi nito bago lumunok, tila ba pilit na itinatago nito ang ngiti na nakikita kong malapit nang umalpas sana sa labi nito kung hindi ko lang sana pinansin.
Alam kong napakadalang nitong ngumiti. Gusto ko tuloy magsisi sa ginawa kong pagpansin.
Pinaseryoso nito ang mukha bago tumikhim at nagsalita. "Hindi. I don't have time to laugh, Alien," nakakaasar na sagot nito.
Iniikot ko ang mata ko.
Masyado itong epal sa sarili. Hays. Bakit ba ginawa kong ganito ito? Na pati ang simpleng pagngiti lang ay gusto pa talaga nitong ipagkait sa sarili?
"Halika na sa labas, ipakikilala na kita kay Aletha. Though, alam ko naman na kilala mo na rin siya," yaya nito.
Hindi ako tumugon at nanatiling nakatingin lamang dito, pinagmamasdan at inoobserbahan ito.
Napahinga ako nang malalim.
Hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko kung bakit hindi na lang ito ang ipinareha ko kay Aletha.
Am I too harsh on you? Bakit ko pa nga ba naisipang gawing komplikado ang buhay mo at kailangan mong maranasan at masaktan din nang paulit-ulit?
Kahit na likha lamang ito ng imahinasyon ko ay hindi ko mapigilang makadama ng awa para rito at makaramdam ng guilt sa mga pinagsusulat ko… kung paano ko ba pahapyaw na inilarawan ang background ng buhay nito at mga pinagdaanan sa kuwento nina Aletha at Wallaceter.
Napansin ko ang pagkunot ng noo nito.
"Why are you looking at me like that?" tila iritadong tanong nito.
Ikinurap ko ang mata ko. "Like... what?"
"Like, you pity me or something. Stop it. I don't need and I don’t like it."
Umismid ako at umirap. "Epal kang kamote ka, hindi ako naaawa sa iyo. Feeling-ero 'to. Bakit naman ako maaawa sa iyo, aber?" tanggi at pagsisinungaling ko, kahit na alam ko sa sarili kong naaawa talaga ako rito.
"Good. Very good, Alien. Now, pwede na ba tayong lumabas?"
Hindi ako tuminag sa puwesto ko, bagkus ay nagbuga ako ng hangin kapagkwan dahil sa narinig.
What should I do? May makikita na naman akong karakter ko...
Lumunok ako. "K-Kailangan pa ba talaga na ipakilala mo ako kay Aletha? Parang hindi naman na kailangan ‘yon, what for ba? Kailangan ba talaga na kapag kilala mo at ni Doc Wallaceter ay automatic na dapat ay kilala rin ni Aletha? Higit sa lahat… kaya mo na ba silang dalawa na harapin nang magkasama?"
Nagkibit ito ng balikat. "That's what my mother told me to do so… ang ipakilala kita. Narinig mo naman, 'di ba?"
Diretso ko itong tinignan sa mata. "Sinabi at gusto ng nanay mo? O baka naman 'yung kagustuhan ng puso mo na makita si Aletha ang talagang sinusunod mo?" panghuhuli ko.
Pumalatak ito, halatang nauubusan na ng pasensiya. "Ang dami mong sinasabi at ang dami mong alam, Alien," reklamo nito.
Nakakainis. Mukhang kahit na nag-give way na ito katulad na lang nang sinasabi nito at nung naisulat ko sa kuwento mismo nina Doc at Aletha ay bakit ang rupok naman yata ng lalaking ito?
Pero sabagay, hindi ko naman ito masisisi dahil hindi naman talaga kasi madaling mag-move on. Ako nga rin kasi personally ay hindi pa maka-move on talaga sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi maganda nitong nakaraan lang.
Jusko. Bakit ba pareho pa talaga kami ng sitwasyon? Parehong ang malas sa pag-ibig at sa taong minahal na may kanya-kanya na ngayong mga kapareha at kasamang iba.
F*ck. Feeling ko ay nakakita tuloy ako ng karamay sa katauhan ng kumag na 'to.
Pero asa pa ako na dadamayan ako ng isang 'to kung malalaman lang nito ang kuwento ng buhay ko.
"Namo. Epal 'to. Siyempre, kailangan 'yon sa buhay. Kailangan na maalam ka. Pero, teka nga... wala ba akong karapatan na tumanggi, hindi sumama sa labas at hindi humarap sa kanila na kasama mo?" usisa ko.
Humawak ito sa sariling baba bago tumugon. "Uh... yes? Wala. Wala kang karapatang tumaggi. Kaya tara na. Kanina pa yata sila naghihintay. Baka naiinip na sila," sagot nito na walang pakielam sa pagtutol ko at tumingin sa relong suot nito sa huli.
Napaismid ako.
Sus. Hindi mo malaman ang iniisip ng isang ‘to.
"Sila? O baka naman si Aletha lang ang iniisip mo na naiinip at ayaw mong mainip?" tanong ko, sa halip na kumilos mula sa puwesto ko.
Kumunot agad ang noo nito, parang kunsumido… sa halip na ako dapat ang makunsumi sa aming dalawa.
Napatitig ako kay Azul at hindi ko maiwasang makita ang sarili ko rito.
Naalala kong bigla si Manang Estela, ang pangaral nito sa akin noong nakaraan.
“Aminin mo nga... o baka naman way mo lang ito upang ipakita sa kanila at patunayan na okay ka lang at hindi nasasaktan? Feeling strong at cool yern?”
Pinanlakihan ako nito ng mata kalaunan. "Kamote. Ano bang pinagsasasabi mo riyan, Alien? Umayos ka nga. Pareho sila siyempre na iniisip ko na naiinip na."
"Ikaw ang umayos diyan, ungas. As far as I remember, hindi kayo magkasundo ni Doc. Or rather, you're just the one who doesn't like to get along with him. Wala kang pakielam dun sa tao, lalo na sa nararamdaman niya. So, why are you acting like, may pakielam kang bigla? Why so plastic, dude?"
"Hoy, hindi ako plastic. Kamoteng alien na 'to, kung ano-ano ang mga sinasabi," pag-iinarte nito.
Patuloy ko itong pinagmasdan, halatang iritado na ito sa mga lumalabas sa bibig ko.
Napaghahalataan na guilty at tinatamaan.
"E, ano lang? Martir? Masokista? Magtitiis ka talaga na makita na magkasama sila kahit na nasasaktan ka? Wow. Iba ka rin, dude. Saludo naman ako sa iyo. Pero alam mo, sa ginagawa mo? Nag-give way ka na, 'di ba? Hinayaan mo na siya sa piling ni Doc. You've already done your part in their story. Okay na 'yun. Sarili mo naman sana ngayon ang isipin mo, ang i-priority mo at asikasuhin mo. You need to heal yourself. Now is the time that you need to choose yourself over everybody else."
Tahimik lamang ito, hindi ko alam kung nakikinig ba talaga ito o nagsasayang lamang ako ng laway.
Pero ayokong tumigil, wala akong pakielam dahil nakikita ko kasi talaga mismo ang sarili ko rito.
Sinamantala ko ang pagkakataon at nagsalita ulit, "Let me ask you this, may gusto ka bang patunayan kina Aletha at Doc? O sa sarili mo? Alam mo, kung hindi mo pa sila kayang harapin, huwag muna, huwag mong pilitin ang sarili mo. Wala kang kailangang patunayan kahit na kanino man na naka-move on ka na nang gano'n kabilis. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na harapin sila para ipakita na okay ka na at malakas ka. Healing is not that easy, aware naman tayong lahat do'n. At siguro naman ay maiintindihan ka nila kung sa ngayon ay hindi mo pa sila kayang harapin nang magkasama, dahil as of now ay nando'n ka pa sa proseso nang unti-unting pag-usad. But I know time will come... time will come that you'll be able to be with them and watch them closely without the hurt and pain in your heart," halos ulit ko lamang sa mga sinabi at pangaral sa akin ni Manang Estela bago ako napunta ritong muli sa mundong ito.
Nagtagis ang bagang nito bago nagbuga ng hangin, tila nag-iisip.
Dumaan ang katahimikan sa amin pero hindi nagtagal ay umatras ito, hanggang sa tila ba frustrated na sumandal ito sa pinto.
"Kamote naman ‘to. Hoy, alien! Ano ka, taga-payo sa radyo para sa brokenhearted na letter sender na nanghihingi ng payo sa kung ano ba ang dapat niyang gawin?" biglang sikmat nito sa akin.
Umawang ang labi ko.
Anak ng kamote 'to. Ang seryoso at makabagbag damdamin pa naman 'yung mga linya na binitawan ko tapos hindi man lang nito na-appreciate?!
"Tarages. Saka mo na ako litanyahan, pwede? Sa ngayon ay halika na muna. Tumayo ka na riyan, samahan mo na ako at baka isipin pa nila na hindi pa ako nakaka-move on," yaya nito at pag-amin bago tumalikod na sa akin bigla para harapin ang pinto.
Nangiti na lang ako at napailing.
Sinasabi ko na nga ba at apektado pa rin talaga ito. May gusto ngang patunayan. Hays.
"Hoy!" untag nito sa akin noong hindi ako tuminag at nanatili lamang sa puwesto ko kanina pa.
Hindi ko namalayan na humarap pala itong muli sa akin.
"What?" tanong ko.
"Halika na! I need you there."
Umawang muli ang labi ko at napatitig dito, pagkatapos ay itinuro ko ang sarili ko.
Bakit naman ako nito kakailanganin?
"I need you there, so... please, come with me," maamo ang mukha pati na ang tinig na pakiusap nito, malayong-malayo sa kung paano ito magsalita kapag iniisulto ako o kaya kapag bigla na lang umaarangkada ang matalas na pananalita nito.
Kumurap-kurap ako.
He needs me?
Mali yata kasi ako ng pagkakarinig, pati na nitong nakikita ko.
Bukod kasi na bagong dialogue 'yun na lumabas sa bibig nito ay hindi ako sanay na malumanay at may pakiusap sa tono nito. Hindi ako sanay at hindi ako masasanay! Never!
This guy, magiging malumanay?
Duh. Napakaarogante. Tapos manghihingi ngayon ng tulong?
What the f*ck?
Patuloy pa rin ako sa pagkurap noong marahas na huminga ito nang malalim bago naglakad pabalik sa puwesto ko at hinatak na lang ako nang walang kibo kaya hindi na ako nakapagprotesta pa hanggang sa nakalabas na kami ng kuwarto.
Parang tanga na hatak-hatak lamang ako nito nang walang kibo at nakasunod naman ako rito habang naglalakad.
Nagulat ako noong bigla itong huminto nang walang babala dahilan para mauntog ang ilong ko sa likuran nito, kasabay din niyon ang pagbitaw nito sa akin.
"Aw. 'Di man lang nagsabi, ba’t ka humihinto na lang bigla-bigla?" I hissed.
Wala pa rin itong kibo kaya iniikot ko na lamang ang mata ko habang hinihimas ang ilong kong napipi na yata.
Natigilan lamang ako sa ginagawa ko noong makarinig ako ng mga tinig na nagtatawanan sa hindi kalayuan.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa ilong ko.
Dahil matangkad at malaki ang frame ng katawan ni Azul kumpara sa akin ay natatakpan tuloy nito at hindi ko makita ang mga taong nagtatawanan kaya sumilip na lamang ako sa gilid nito.
Napangiwi ako noong makita ko si Doc at ang isang babaeng maganda, which I think ay si Aletha.
Inalis ko rin ang tingin sa mga ito at sinilip ko si Azul na naabutan kong nakatagis ang bagang.
Bigla akong napahinga nang malalim.
Sumakit kasi ang puso ko sa nakita kong reaksiyon nito.
What the heck? Magiging taga-alo pa yata ako pansamantala nitong ungas na 'to.
Hays. I should take responsibility, tutal ay ako naman kasi ang dapat sisihin. Kasalanan ko kung nakikita ko man itong ganito na nasasaktan ngayon.
I made him this miserable.
Kusang umangat ang kamay ko para sana ipaling ang mukha nito paharap sa ibang gawi pero nagbago ang isip ko kaya ibinaba ko na lamang ulit at inabot na lamang ang kamay nito na inabutan kong nakakuyom.
Nakagat ko ang labi ko.
F*ck.
He’s hurting. And I know that feeling too.
Lalo pa at parehong pag-aari na ng iba ang mga taong minahal namin.
Ang saklap.
Pero bakit kailangan na ma-witness ko pa ang ganitong eksena… sa mismong pinakapaborito ko pang karakter?
Huminga ako nang malalim bago kumilos upang tanggalin ang pagkakakuyom ng kamao ni Azul, nang magtagumpay na ako ay isinalikop ko at pinaglapat ang palad namin.
Sobrang bigat ng nararamdaman ko sa dibdib ko, gusto kong humingi rito ng tawad pero hindi ko iyon kayang isatinig.
I'm so sorry, Azul. This is the only thing that I can do for you.
Pinisil ko ang palad nito dahilan upang balingan ako at bumaba ang tingin nito sa akin. Kita ko sa reaksiyon nito na para bang noon lamang nito naalala na kasama ako nito.
Pilit na ngumiti ako rito.
‘Yung ngiti na somehow ang hiling ko ay makapagbibigay rito ng assurance at comfort, na hindi ito nag-iisa, dahil nandito ako… sasamahan ko ito.
Kung kanina ay ayoko pa itong samahan at tutol ako sa kagustuhan nitong harapin sina Aletha at Doc, ngayon ay nagbago na ang isip ko.
He needs me right? Then, I’ll stand and stay by his side.
"Everything will be okay. You'll be okay. Hindi man ngayon, but I know soon," pagpapalakas ko sa loob nito.
Kumurap-kurap ito habang nakatingin sa akin, mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko at ang biglaang pagbabago ng isip ko upang samahan ito.
"I'm here. Nakalimutan mo yata?" biro ko.
Huminga ito nang malalim bago napailing sa hindi ko sigurado kung ano man ang kasalukuyang iniisip.
"Let's go." Humigpit ang hawak nito sa kamay ko bago pa kami nag-umpisang maglakad.
Nangiti ako nang bahagya habang nakaagapay sa gilid nito sa mabagal na paglalakad.
"Alien, umayos ka, ha? Huwag kang engot. Huwag kang mag-i-space-out. At lalong huwag kang magpapaka-alien sa harapan nila, okay?" bilin nito na mukhang nakabawi na.
Sa halip na mainis at mainsulto ay nakahinga pa ako nang maluwag dahil sa narinig.
He's back. I'm glad that he's now back with his senses.
Lumawak ang ngiti ko.
Ito ang kilala kong Azul, matalas ang dila at higit sa lahat ay palaban.