Chapter 20

2152 Words
Caia’s POV Ikinurap ko lamang ang mata ko at hindi sumagot. Nanatili namang nakatitig sa mukha ko si Azul, nananantiya kung may makukuhang sagot doon. Sa halip na kumibo ay naglakbay ang mata ko sa kabuuan ng makinis nitong mukha. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kaperpekto ang hitsura ng karakter na nilikha ko. Dinaig pa ang pagiging babae ko dahil sobrang kinis talaga nito, wala akong maaninag na pores. Samantalang ‘yung akin, gusto tuloy mahiya ng mga pores ko na nagsusumigaw. Nakakainggit sa totoo lang, para kasi itong koreano dahil ang clear at naggo-glow talaga ang skin, fresh na fresh tingnan. Hindi na ako magtataka pa kung nasa totoong mundo kami, sigurado ay dudumugin ito ng mga babae at binabae na sabik sa mga ganitong hitsura. "Hey," untag nito na nagpakurap na naman sa akin. Napaayos akong bigla bago tumikhim. "What?" "You're still not answering my question and just in case if you’re not aware of yourself, I want you to know that you're spacing-out." Ngumuso ako nang bahagya. "Ipapaalala ko lang na wala ka sa outerspace, nandito ka sa mundo namin." Tamad ko itong tinignan. "Har-har! Nakakatawa. Ginawa mo pa akong alien talaga." Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit, hindi ba?" "Hindi," sagot ko. Pumalatak itong bigla. "Nalalayo tayo, e. Pero hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko." Iniikot ko ang mata ko. "Magustuhan mo kaya ang maririnig mong sagot ko, if ever? Maniwala ka rin kaya?" mahina kong usal. "What did you say?" Ibinalik ko ulit ang tingin dito na magkasalubong na ang kilay ngayon, nagkibit-balikat ako. "Nothing, I didn’t utter a word. Nagsalita ba ako?" pagmamaang-maangan ko. "You're murmuring something. Hindi ko nga lang naintindihan, mahina kasing masyado." Huminga ako nang malalim. "Hindi naman ako nagsalita. Guni-guni mo lang 'yon," pagtanggi ko. Pumalatak na naman ito. "Alien ka nga talaga, may mga sinasabi ka na hindi ko naiintindihan." Sumimangot ako. Makapagsabi ng alien wagas. E, sa totoo lang mas mukha itong alien sa aming dalawa. Hindi kaya pangkaraniwan ang hitsura nito. Hindi talaga makatarungan ang pagkakagawa at pagkaka-describe ko rito. Hays. "Kamote, sagutin mo naman na ang tanong ko. Kanina pa tayo rito, baka mawala ka na naman nang matagal," untag nito noong hindi na ako kumibo pa. Natigilan ako saglit at umawang ang labi ko. "M-Matagal akong nawala?" gulat kong tanong. Tumango-tango ito. "Yeah, why?" "Gaano naman katagal?" Nag-isip ito saglit bago sumagot, "Almost three months, I think?" Hala. Talaga ba? Ang tagal pala... Pero sa pagkakaalam ko ay ilang araw pa lang akong nananatili sa totoong mundo pagkagaling ko rito. Hindi ko tuloy mapigilang mamangha, ibig kasing sabihin niyon ay hindi magkasabay ang paggulong ng oras at araw dito kumpara sa mundo namin. "Sagutin mo naman na ako," demand nito. Iniiwas ko ang tingin dito at huminga nang malalim dahil sa kakulitan nito. Pero ibinalik ko ring muli ang mata rito, pinagmasdan at sinuri ito. Pilit na gusto kong basahin ang emosyon at nararamdaman nito sa ngayon. Paano ko bang sasagutin ang tanong nito nang hindi ako nagmumukhang baliw sa paningin nito? Itong hindi ko pa nga lang pagsagot ay nawi-weird-an na ito sa akin, paano pa kaya kung isambulat ko rito ang sagot na gusto nitong makuha? Isa pa... kung maniwala man ito sa sasabihin ko, I don’t know how he would take it. Alam ko na mahihirapan itong tanggapin na ang buhay at katauhan pala na mayroon ito ay kathang-isip lamang, na binuo lamang gamit ang malikot kong imahinasyon at bahagi lamang ito dati ng isang kuwento na isinulat ko. I can't explain it. Pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko habang nakatingin dito. D*mn it. I know him too well... behind his rugged personality, being mean and sarcastic is a man with an honest, fragile and soft heart. He’ll be devastated upon knowing the truth. Gustuhin ko man tuloy na sagutin ito ay tutol naman ang loob at isip ko na gawin iyon. Lumunok ako habang nakatingin dito. Masyado ko na itong nasaktan at napahirapan sa mga pinagdaanan nito sa buhay dahil sa magandang plot twist na inaakala kong inihanda ko sana para rito, para sa kuwento nito na akala ko ay magagawan ko rin noon. Kaya pa ba ng puso kong dagdagan iyon? F*ck. Of course, the answer is a big no! "I don't really know you," pagsisinungaling ko pa rin. "Then, how do you know my whole name?" hamon nito na halatang hindi naniniwala sa sagot ko, ayaw tumigil. Muli akong nagbuga ng hangin. "Does it really matter? Issue ba talaga 'yon? Ang liit na bagay pinapalaki mo, its as if nanakawin ko naman ang pangalan mo," kunwari ay asar na sagot ko upang tumigil na ito. "Hindi ko sinabing nanakawin mo. But yes, issue talaga sa akin ang tungkol sa pangalan ko dahil iilan lang ang nakakaalam niyon." Alam ko. Hays. Alam na alam ko. Ako kaya ang may pakana niyon, ginagamit lang nito ang buong pangalan nito sa mga importanteng papeles at wala ring tumatawag dito gamit ang second name nito dahil ang ama at totoong ina lang nito ang tumatawag niyon dito. Saka siyempre pati ako, bukod sa ako ang nakaisip ng pangalan nito ay mas trip ko kasi ang Azul kaysa sa Rashiel. "Sabi mo, hindi ka talaga taga-rito sa mundo namin. Pero bakit alam mo ang pangalan namin, na para bang kilalang-kilala mo kami base sa tono ng boses mo noong nag-uusap kayo ni Doc?" Kailan ba ito susuko? Bakit napaka-persistent naman nito? Hindi ako kumibo. I clenched my jaw as I stared back at him. Naroon pareho sa mata namin ang determinasyon. Ito, para malaman ang nais na impormasyon. Ako naman ay para itago rito ang nalalaman ko at ang totoo na alam kong hindi nito kailanman gugustuhing malaman. Pumikit ako nang mariin kalaunan. Pagdilat ko ay nakatingin pa rin ito sa akin at naghihintay sa sagot ko. Nagbuga ako ng hangin at mabilis na nag-isip muna bago sumagot. "All right, I know you. Alam ko pati na ang lahat sa nakaraan mo. A-Ano… nakikita kasi kita sa p-panaginip ko," sagot ko na may halong kasinungalingan. Napalunok ako nang hindi ito kumibo, mukhang pilit na dina-digest pa ang mga sinabi ko. Maniwala ka na lang, please? Para tapos na ang usapan. Matagal-tagal bago ito tumango-tango. "Ang cool pala... and I guess, pati si Doc at ang iba pang nakapaligid sa akin ay nakikita mo rin sa panaginip? Since kilala mo sina Doc at Aletha." Naghahagilap pa ako ng sasabihin nang may biglang kumatok sa nakasaradong pinto ng kuwarto kung nasaan kami. "Rashiel, nariyan ka ba?" tawag nang malamyos na tinig mula sa labas na nagpatigil sa pag-uusap at pagtititigan namin. Napalunok ako noong bumukas ang pinto at sumulpot ang isang babae. Bigla akong nakadama ng kaba na hindi ko maintindihan. Gulat na napahinto ang hitsura nito nang makita ako pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang mata sa amin ni Azul. "Oh, I’m sorry. May kausap ka pala. May bisita ka," turan nito. "It's okay. She's a friend," mabilis na sagot ni Azul. Friend? Wow. Magkaibigan na pala kami, bakit parang hindi ako aware at hindi ko ma-feel? "May kailangan po ba kayo sa akin, ‘Ma?" Ah, so, I guess, ito ang nanay-nanayan nito? I mean, ang kinikilala pala nitong pangalawang ina dahil patay na ang totoo nitong ina noon pa. "Hindi ko siya kilala, bago mong kaibigan?" sa halip na sagutin ang tanong ng anak-anakan nito ay tanong din nito na hindi ngumingiti. Pilit na ibinaling ko ang tingin kay Azul dahil hindi ako makatagal sa titig ng ginang at hindi rin kasi maalis-alis ang kaba ko. F*ck. Why am I feeling like this upon seeing the beautiful middle-aged lady? I know her. Of course, I know her, dahil may mga eksena rin ito sa kuwento nina Aletha at Wallaceter. But… bakit parang iba? Parang may iba... iba 'yung pagkapamilyar nito sa akin at bakit iba rin ‘yung kaba? Ngunit sa halip na guluhin ang utak ko ay pilit na inalis ko na lang ang isiping iyon at nanatiling tahimik. Humawak si Azul sa batok at ngumiti nang alanganin. "Uh… yeah. She's Caia. And Caia, this is my mother—Mama Alyanna," pagpapakilala ni Azul sa amin. Napipilitan na ibinalik ko ang tingin dito upang batiin ito. "H-Hello po. It's nice to meet you p-po," kabado at hindi siguradong sabi ko. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko, kung lalapit ba ako, magmamano o makikipagkamay na tanda ng paggalang, kaya nanatili na lamang ako sa puwesto ko at ngumiti rin nang alanganin na katulad nung ginawa ni Azul noong hindi na kumibo ang ina nito. Ngunit nanatili naman ang mata nito sa akin habang hindi pa rin mangiti. D*mn. Bakit kahit na karakter lamang din ito sa nobela, pati ako ay hindi mapigilang matakot dito? Katulad na kasi nang isinulat kong deskripsiyon dito ay may pagka-istrikta, masungit at nakakatakot itong makatingin. "Kilala at kaibigan rin ba siya nina Aletha at Wallaceter?" usisa nito makalipas ang ilang sandali. Napatikhim si Azul. "Si Doc lang po, ‘Ma." Bumaling ito kay Azul bago kumunot ang noo. "Bakit si Wallaceter lang? Bakit si Aletha ay hindi?" Kumamot si Azul sa ulo, halatang nahihirapang mag-isip. "Hindi pa po sila nagkikita... kapag nagkaroon ng pagkakataon ay ipapakilala ko po sila sa isa't-isa." Gustong manlaki ng ulo ko sa narinig. D*mn it. Nakakaloka itong mga nangyayari! Ilang mga karakter ko pa ba ang makikita, makakausap at makikilala ko? Tumango-tango ang ginang. "Mabuti. Maaari mo na silang ipakilala sa isa't-isa ngayon mismo, nariyan sina Aletha at Wallaceter sa sala. Hinihintay ka." Natigilan ako, pagtingin ko kay Azul ay gano'n din ito. Mukhang hindi inaasahan ang mga bisita nito. But, what the heck? Kung hindi nito inaasahan ang pagbisita nung dalawa, paano pa kaya ako? God! Why do I have to meet my characters? Why do I have to experience all of this? Tatalikod na sana ang ina-inahan nito ngunit bumalik ulit at mukhang may nakalimutan pang sabihin, nagulat pa ako noong tumuon ang mata nito mismo sa akin, sa halip na kay Azul. "By the way... it's nice to meet you too, Caia. But, next time kung kinakailangan ninyong mag-usap, kung maaari ay puwede bang sa sala na lang? Huwag nang sa kuwarto pa, ang luwang-luwang naman sana ng sala. Ano ba ang pinag-uusapan ninyo at kailangang sa kuwarto pa talaga? Isa pa, hindi ninyo ba alam na hindi magandang tignan na rito kayo nag-uusap nitong lalaking 'to at wala pa kayong kasamang iba? Huwag ninyo na itong uulitin. Naiintindihan ninyo ba ang sinasabi ko?" pangaral nito sa bandang huli na malamyos ang tinig, kabaligtaran ng anyo nito na kay sungit-sungit. Nangiwi ako nang bahagya. Kung sana lang ay mapipili ko kung saan ako mapupuntang lugar everytime na napapadpad ako sa mundong ito. Pero hindi nga, e. Hindi ko iyon kontrolado. Ang malala na inaalala ko at kinakakaba ko ay paano kung sa CR mismo ni Azul ako mapunta galing sa mundo ko… habang naliligo ito o sa kahit na anong hindi kaaya-ayang sitwasyon para sa aming dalawa. F*ck. Mukhang iyon talaga ang kailangan kong alamin, pagtuunan ng pansin at pag-aralan. Since, sumusulpot na lamang akong bigla rito at bigla ring nawawala. “Opo, ‘Ma,” tugon ni Azul. "O-Opo, sige po," sagot ko na lang din at tumango naman ito bago tuluyan nang umalis. Nasundan ko na lamang ito ng tingin at pagkasarado ng pinto ay napahinga ako nang maluwag. "So?" Nalipat ang tingin ko kay Azul na nakapamulsa at mukhang at ease na ang aura ngayon pagkaalis na pagkaalis ng ina-inahan nito. Mabuti pa ito. Ang bilis maka-recover. Mukhang sanay na sanay na sa sungit ng ginang. "Anong so ka riyan?" clueless ko namang balik tanong dito. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa presensiya ng nanay-nanayan nito ay raratratin na naman yata ako nito ng tanong tungkol sa pinag-uusapan namin bago pa dumating ang ginang kanina. Give me a break, dude. "How do you find mother?" tanong nito na sobrang hindi ko inaasahan, malayong-malayo sa naiisip ko na itatanong nito. Dahil nagulat ay naikurap-kurap ko ang mata ko bago naghanap sa isip ng sasabihin. "She's beautiful. But, she's... uh… kinda like masungit and mabait at the same time?" pagde-describe ko sa kung ano man ang totoo. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito. "She really is. And I love her." Natigilan ako at napatitig dito, hindi mapigilan na ikumpara at maalala ko ang sarili ko mismo rito. Magkatulad kasi kami na wala na ang mga tunay na ina, pero masuwerte pa rin kami pareho dahil may mga taong hindi man namin kadugo at totoong ina ay tunay naman ang pagmamahal at pag-aaruga sa amin. Kung suwerte ito dahil sa may Mama Alyanna ito, puwes ako naman ay gano’n din dahil kaya kong ipagmalaki na mayroong nag-iisa at walang katulad na Manang Estela sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD