Chapter 19

2043 Words
Caia’s POV Kumunot kaagad ang noo ko at mabilis akong nagdilat ng mata noong marinig ko ang napakapamilyar na boses na iyon. Bumungad sa paningin ko ang kuwartong minsan ko lamang pinaglagian ngunit sobrang pamilyar na sa akin. What the f*ck? Wala sa oras na nalunok ko ang laway ko at kumalat ang kilabot sa katawan ko. Bakit nandito na naman ako? Paanong nangyari iyon? Dumagundong ang kaba sa dibdib ko sa kaalamang nakabalik ako sa mundong likha lamang ng malikot na imahinasyon ko, kung saan ay maaari kong makasalamuha ang mga karakter na ako mismo ang nagbigay buhay gamit ang mga salita upang ilarawan hindi lang ang pisikal na anyo, kundi pati na ang ugali, kung paano magsalita, umakto at ang mga gawi ng mga ito. Unti-unting bumaling ako sa kanan na bahagi ng kuwarto noong may mahagip ang mata ko sa peripheral na gumalaw sa gawing iyon at gano'n na lamang ang pamimilog ng mata ko noong makita ko ang paborito kong karakter… si Azul na seryosong nakatingin sa akin habang prenteng nakaupo sa sofa. Umawang ang labi ko noong tumayo ito at dahan-dahang naglakad papunta sa direksiyon ko. "I've been waiting for you, alien." Kumurap-kurap ako. Alien? Is he referring to me? Kailan pa ako naging alien? At mukha ba akong alien? Sunod-sunod ang naging pag-atras ko noong hindi ito tumigil sa paglapit sa akin hanggang sa nabangga na ang hita ko sa kama na nasa likuran ko, na minsan at dati kong hinigaan noong nanatili ako rito sa kuwartong ito. Ngumisi ito at napailing-iling. "You're still the same alien na alam at kilala ko. Hmm… still speechless, huh?" puna nito at dahil hamak na mas matangkad ito sa akin ay yumukod pa ito upang magkapantay ang mukha naming dalawa. Lumunok ako, lalo na noong mapatitig ako sa mata nito na diretsong nakatingin sa mata ko, maaaninag doon na tila ba aliw na aliw ito sa akin. Kitang-kita ko tuloy ang repleksiyon ko sa mismong mata nito na sa hindi ko inaasahang maramdaman ay parang biglang naging awkward ang pakiramdam ko sa paligid at tila ba kay sikip. Pero kahit na tila ba nakaka-suffocate... bakit parang nahahalina ako habang tumatagal na nakatingin ako rito? Nakakalimot ako sa ibang dapat na isipin at unti-unti ay nawawala ang pagka-awkward na nararamdaman ko. Self, ano ba ang nangyayari sa iyo? "What took you so long to come back, hmm?" "Huh?" natatanga kong sambit habang nakatitig sa guwapo nitong mukha. Sh*t na mukha na ‘to, ang sarap pag-daydream-an, basta huwag lang bubuka ang bibig nito. Pumalatak ito. "Ang hirap mo pa ring kausapin. Kailan kaya magiging madali? Hmm? Alien na engot ka pa rin talaga. Ang hirap intindihin." Nanlaki ang mata ko at nabalik sa huwisyo noong marinig ang pang-aalipusta nito sa akin. "H-Hoy!" Lumaki ang ngisi nito at iginalaw-galaw pa ang ulo sa mismong harapan ko. "What?" Napatitig na naman ako rito. Sh*t na 'yan. Bakit ito ngumingisi nang ganito? He's not like this dapat, e! Hindi ganito ang karakter kong si Azul! Anong nangyari rito? “Why are you looking at me like that, hmm?” usisa nito. Pero wala akong pake sa tanong nito, ang atensiyon ko ay nabalik na naman sa pagtitig sa guwapong mukha nito. Hindi ko mapigilang humanga. Posible pala kasi na makakita ako ng ganito kaperpektong pisikal na anyo ng nilalang. Hindi lang sa imahinasyon ko, kundi nasa mismong harap ko pa ngayon at maaari kong hawakan pati na ang makausap at nasa malapitan lang. Pero ang unfair naman. Alam ko kung gaano kasama ang ugali nito, e. Kilalang-kilala ko ito. Alam ko rin kung gaano kasama ang tabas ng dila na masarap putulin. Pero bakit... sh*t talaga. Bakit naisipan ko na gawing ganito kaperpekto ang hitsura nito at ano ang pumasok sa isip ko para maging paborito ito sa lahat ng karakter ko gayong mas marami naman sana ang mas nakakalamang dito? Guwapo rin tapos mabait pa. "Ang guwapo mo sana, e. Kung hitsura ang basehan at pag-uusapan, perfect 100 sana. Kaso, sayang... hindi talaga makatarungan." Mas lalo itong napangisi, "What did you just say? Ang guwapo ko? Hindi makatarungan? Naks. I know right," mayabang na tugon nito. Nanlaki muli ang mata ko at natakpan ko ang bibig ko sa pagkasorpresa dahil sa pagsagot nito. Sh*t. Nasabi ko ba 'yung iniisip ko at narinig talaga nito ang mga iyon? Nakakahiya ka, Caia! Kinagat nito ang ibabang labi habang aliw na aliw na nakatingin sa akin. "Akala ko ba hindi mo ako type? Hmm… ang bilis magbago ng isip, iba talaga ang kamandag ko. Pati alien nai-inlove?" "I-Inlove?" Tumango-tango ito. "Yes." "Sino?" Direktang itinuro ako nito at inilapit pa lalo ang mukha sa akin. "Ikaw, sino pa ba? Kamote. Ikaw lang naman ang alien dito, saka mukha ba akong inlove sa sarili ko? Hays. Hirap mo talagang kausapin. Siguro ang sarap mong bilihan ng kausap, ‘yung kaya kang mapatino para hindi na ako nai-stress sa iyo." Pinandilatan ko ito ng mata bago ko iniatras ang mukha ko. "Tumigil ka nga at l-lumayo ka nga sa akin! Ang lapit-lapit ng mukha mo! Naaamoy ko na ang panis mong laway!" tungayaw ko upang maiba ang usapan. Tumayo naman na ito nang tuwid pero hindi lumayo, namulsa lamang habang nakangisi na nakatingin pa rin sa akin. "Sus. Kunwari pa, pero marunong din palang kiligin ang mga alien? Ngayon ko lang nalaman iyon, ah," patuloy na panunukso nito. Dahil nakadikit naman na rin ako sa kama ay tuluyan na akong umupo roon upang mapalayo na nang tuluyan dito at upang makapag-isip na rin nang matino. Hindi ko na pinansin pa ang sinasabi nitong wala namang kakuwentahan at itinuon na lang muna ang mata sa ibang bagay na naroon sa kuwarto. "Where have you been, Alien?" Sumimangot ako noong marinig ang itinawag nito sa akin at ibinalik dito ang mata. "Hindi ako alien," sikmat ko. "Really? Pero paano mong maipapaliwanag na nalingat lang ako saglit at may pinulot tapos sumulpot ka na lang bigla sa daan? Remember that day noong muntik na kitang masagasaan? I thought, stunt 'yon dahil sa mga palabas ko lang iyon nakikita at honestly ay hindi ko talaga alam at maipaliwanag kung paano ka na lang biglang napunta sa gitna ng highway nang hindi ko man lang namamalayan tapos doon pa sa malapit na mismong lugar kung saan ay sasalpukin ka na ng sasakyan ko." Tinitigan ko lamang ito at hindi ako kumibo. Paano kitang sasagutin, gayong hindi ko nga rin alam kung paano? "Alerto ako palagi kapag nagda-drive. And that was the first time na nangyari na may muntik na akong masagasaan dahil bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Tell me, paano ka bang napunta roon at paano rin ang nangyari na hindi kita nabundol gayong kitang-kita ko kung gaano ka na kalapit sa sasakyan ko? Paanong nangyari na nakaligtas ka at hindi nahagip, gayong sigurado ako sa sarili ko na hindi ko naman nakabig ang manibela upang maiwasan ka?" seryosong tanong nito. Lumunok ako. Ano ang isasagot mo, Caia? Think fast! "At paano mo rin ipapaliwanag noong unti-unti kang nawala sa mismong harapan ko at sa mismong paningin ko? Pati na ang pagsulpot mo na naman bigla ngayon dito kahit na nakita kong hindi ka naman sa pinto pumasok?" Kinagat ko ang labi ko bago huminga nang malalim. "I-I don't know..." pag-amin ko, alangan naman kasing magtahi pa ako ng kuwento na alam ko namang hindi nito paniniwalaan, hindi ito tanga. Kumunot ang noo nito. Umiling-iling ako. "With all honesty, I really don't know. I don't know how and I don't know why I'm here." Hindi ito kumibo. "Believe it or not, but I'm telling the truth. Kung confuse ka. Well, mas lalo na ako. Nananahimik ako sa mundo namin tapos bigla na lang akong mapupunta rito without my permission at hindi man lang ako nai-inform." "Mundo ninyo? So, hindi ka nga talaga taga rito sa mundo namin?" Kahit na ayokong i-acknowledge noon at paniwalaan, pero iyon ang nagsusumigaw na katotohanan. Kinagat kong muli ang labi ko bago tumango-tango. "Y-Yeah... I’m not really from this world. That’s why, nagkandaligaw-ligaw ako." "So, you're really an alien?" Pumalatak ako bago iniikot ko ang mata ko. "Hindi. Hindi ako alien. What I mean is... I came from another world…" the real world and you're nothing but just one of the product of my wild imagination. Natawa ito nang bahagya. "Nanggaling na rin sa iyo, you're not from here and you came from another world. So, technically... you're an alien talaga," pilit nito. Huminga na lamang ako nang malalim. May punto naman kasi ito kahit na papaano dahil nga hindi ako galing sa mundong ito, kumbaga ay outsider. "What's your real name, Alien?" pukaw nito sa atensyon ko. Sinamaan ko ito ng tingin. "Stop calling me alien. I do have a name and I've already said it to you last time." "Hmm… so, iyon nga talaga ang pangalan mo?" Iniikot ko ang mata ko. Mahirap daw akong kausap. E, ano kaya ang tingin nito sa sarili nito? "Oo. Caia, C-A-I-A. Uulitin ko, hindi K-A-Y-A. Gets?" Tumango-tango naman ito. "Okay, gets. But at first I thought, nag-isip ka lang para may masabi at maibigay na pangalan sa amin." Ikinunot ko ang noo ko. "For what and why would I do that?" "Well..." hindi maituloy at maikling tugon nito na tila ba biglang nag-aalangan na sagutin ang tanong ko. Dahil doon ay naisip ko ang mga walang pakundangan na pangbibintang at panghuhusga na ibinato nito sa akin kahit na hindi naman ako nito lubusang kilala talaga. Napaismid tuloy ako. "Alam ko na, kasi akala mo nga pala ay manloloko ako, right? Gold-digger na interesado na mabingwit ang isa sa inyo ni Doc? Like... ew! I’m not that kind of person." Nagkibit lamang ito ng balikat bago iniba ang usapan. "Pero alam mo ba nagbayad pa ako ng tao para lang ipahanap ka? Bigo nga lang, walang nakuhang kahit anong trace mo. Hindi rehistrado ang pangalan na ibinigay mo sa amin at wala ring nakakakilala sa iyo." "Bakit? Dahil ba sobrang sama ng tingin mo sa akin? Dahil ba akala mo ay gold-digger ako kaya talagang gumastos ka pa para ipahanap ako? Para ano? Para ipa-background check ako?" Umiling ito. "Nope, Wallaceter was right. I admit, I can feel and see that you're not that kind of person when I saved you that day and when I brought you here." Kumurap-kurap ako. Aba. Himala. May lagnat ba 'to? May sakit? O mamamatay na? Ano ang mabuting hangin ang pumasok sa madumi nitong isip at bibig? Tumikhim ako. "Then... w-why did you do that? Bakit mo ako ipinahanap?" hindi makapaniwala kong tanong. "I have so many questions to ask. And… because, somehow... I've felt this connection with you. I don't know, I can’t explain. It's like... there’s this vibe na kilala na kita dati pa pero alam ko namang hindi. What I know is that... you know me, alam mo hindi lang ang apelyido ko. You even know my full name, which is... iilan lang talaga ang nakakaalam sa second name ko. You know Aletha and looks like may alam ka rin tungkol kay Doc. It seems na lahat kami ay kilala mo with the way you talk. I've heard it when you were having a conversation doon sa madaldal na doktor na iyon, don't deny it." D*mn it. So, narinig pala nito ang naging pag-uusap namin ni Doc bago ito tuluyang pumasok upang pasimpleng itaboy at paalisin ang mabait na pobre. "Akala ko ay baliw ka na dahil sa mga pinagsasasabi mo na kung ano-ano kay Doc o baka epekto iyon ng pagtulog mo ng ilang araw. But it seems like na hindi, may laman ang mga sinasabi mo na hindi lang namin lubusang maintindihan. Na-realize ko lang iyon noong mismong nawala ka sa harapan ko kaya talagang nag-hire pa ako ng tao upang ipahanap ka." Lumunok ako. "Sabihin na natin na totoo ang mga sinasabi mo at naniniwala ako na hindi mo alam kung paano at kung bakit ka nandito, pero siguro naman ay masasagot mo itong itatanong ko?" "A-Anong tanong?" "How do you know me, Alien? And… why does it feel like that I have to know you too?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD