Caia’s POV
"What? May susunod pa? Makakaharap ko ulit sila? At bakit kailangan ko pang sumama?" Nakakunot-noo kong tanong.
Hindi pa naman ako pumapayag, ah?
"Of course, I will need your presence there," balewalang sagot nito na para bang hindi na mahalaga pa ang opinyon at ang kagustuhan ko.
Napabuga ako ng hangin.
Hays. Ba't ba hindi pa ako masanay? At bakit ba nakakalimutan ko palagi na ganito ko idinisenyo ang pag-uugali nitong ungas na 'to?
Kaso... mukhang hindi ako masasanay at gusto kong magsisi ngayon kung bakit ba pumasok pa sa isip ko na gawing ganito ito ka-attitude. Nakakapeste sa totoo lang. Ako ang gumawa at mukhang inaani ko ngayon kung ano man ang pag-uugali nito na itinanim ko.
"Bakit nga kasi kailangan pa ako ro'n? E, as far as I remember, ikaw lang naman ang pumayag sa paanyaya nung dalawa," naiinis ko pa ring tanong at pagpapaalala ko.
Dahil sa totoo lang ay wala talaga akong natatandaan na pumayag din ako na makiki-join sa dinner na gustong mangyari nina Aletha at Doc. Ito lang namang si Azul ang kay lakas ng loob na um-oo agad noong nagtanong si Aletha.
Tsk. Porke si Aletha ang nagtanong ay naka-oo ito kaagad. Mukhang hindi nito kayang makahindi sa babae. Lakas lang ng tama talaga at napakarupok. Hays.
"Binilihan na kita ng damit na isusuot mo mamaya," sa halip ay sabi nito na parang hindi ako naririnig.
Tinignan ko ito nang masama pero alam ko naman na walang epekto iyon dito dahil sa abala ito sa pagkalikot sa kung ano sa telepono nito at wala sa akin ang buong atensiyon nito.
"Hindi ko 'yon isusuot," maktol ko.
"Believe me, isusuot mo 'yon. Sa ayaw at sa gusto mo," may pagbabanta na sabi nito at siguradong-sigurado ang tono nito.
Naipadyak kong bigla ang paa ko sa inis. "Ayoko nga kasing sumama. Ikaw 'yung um-oo. E, 'di ikaw ang magsuot nung damit na 'yon kapag pumunta ka. Basta ako, dito lang ako," pagmamatigas ko.
Bumuntung hininga ito bago ibinulsa ang teleponong pinagkakaabalahan kanina nito at itinuon na sa akin sa wakas ang mata.
"Sasama ka sa akin o ipapatapon kita palabas ng bahay ko?"
Umawang ang labi ko sa gulat.
What did he just say?
Sh*t. Of course narinig ko ang sinabi nito. Pero, seryoso ba talaga ang ungas na 'to?
Alam na alam naman nito na ito lang ang kilala ko rito na maaari kong matuluyan tapos ganito at gigipitin ako? Ipapatapon ako palabas ng bahay? As in, for real? Palalayasin ako?
Wala ba itong awa? Puso? Konsensiya?
Gusto kong mapangiwi sa mga naiisip ko. Alam ko naman kasi ang sagot.
Of course, mayroon naman itong konsensiya, kaso... kaunti nga lang at madalang gumana ang konsensiya nito.
Namulsa ito at ikiniling pa ang ulo habang nakatuon pa rin sa akin ang mata. "You better choose wisely."
Itinikom ko ang bibig ko at napalunok.
Nanuyo yata ang lalamunan ko dahil sa napakaseryoso nitong mukha at tinig.
Peste naman. Saan ako pupulutin kung sakali man na piliin kong hindi sumama? Wala akong ibang kakilala rito.
Alam na alam ko kung gaano kasama ang ugali nito na kapag sinabi nito ang isang bagay ay ginagawa talaga nito iyon.
Nanatili itong nakatitig sa akin.
Napalunok akong muli.
"A-Are you serious?" paninigurado ko pa kahit ang totoo ay sigurado naman ako.
Umayos ito ng tayo pagkatapos ay lumakad papalapit sa akin.
Nang makalapit nang husto ay yumuko ito upang magpantay ang mukha namin dahil sa katangkaran nitong taglay.
Halos maduling naman ako sa pagtingin dito at unti-unti ay napapaatras ako ng ulo.
Pigil ang paghinga ko noong huminto na ito sa paglapit.
Nakatitig ako rito at gano'n din ito sa akin.
"Look straight into my eyes. Do I look like I'm joking to you?" tanong nito sa mas pinaseryosong mukha na sinamahan pa pati ng tinig nito.
Napakurap-kurap ako. Kinilabutan bigla.
Hindi. Kinilabutan nga ako, 'di ba?
Hindi kasi ito nakangiti. Este, hindi naman nga pala talaga ito palangiti kahit kailan. Hays.
"I-Ipapatapon mo talaga ako? Kaya mo 'yung gawin sa akin?" paninigurado ko ulit.
Kailangan ko pa ring siguraduhin kahit na sigurado naman ako.
"Bakit naman hindi? Hmm?"
Nanginig ang labi ko sa pagpipigil na mapangiwi.
"Narinig mo naman ako kanina. Hindi ka naman bingi. At para malaman natin kung kaya ko nga ba talagang gawin ang sinasabi ko... bakit kaya hindi natin subukan… sa iyo at ngayon na mismo?" hamon nito.
Hala siya, kay sama talaga ng pag-uugali! Papatunayan pa!
"B-Bakit ako?" tanong ko na napaturo pa sa sarili ko.
"Mukhang ayaw mo kasing maniwala, e. Atleast kapag sinubukan natin, maniniwala ka na dahil mararanasan mo pa mismo."
"S-Saan na ako titira kapag ginawa mo 'yun?"
Nagkibit-balikat ito. "I don't know. Bahala ka na sa buhay mo."
Hala talaga. Ang sama ng ugali, sobra… times ten pa nga, hindi abot hanggang langit, kundi sa impiyerno!
Hindi nagtagal ay tumayo na ulit ito nang tuwid at tinalikuran na ako.
"Akin ang bahay na ito at nakikitira ka lang rito. It means ako ang batas. Kung hindi mo kayang sumunod sa mga patakaran at sa kagustuhan ko ay magpaalam na tayo sa isa't-isa."
Sinamantala ko ang pagkakatalikod nito at nag-make face nang paulit-ulit. Ginagagad ang mga bawat sinasabi nito nang walang boses.
'Yun lang naman kasi ang kaya kong gawin sa ngayon.
Peste. Peste talaga 'tong kamoteng lupa na 'to.
Isa lamang ito sa mga karakter ko pero bakit baliktad yata ang mga nangyayari?
Bakit ako ang sumusunod sa mga kagustuhan nito imbes na ito at ako rin ang napapaikot nito?
Hays. Ano ba ang nangyayari sa mundo? Bakit baliktad na? Tsk.
May nakikielam ba sa pagdaloy ng istorya at nasali ako rito? Eto tuloy, naleletse ang buhay ko.
"What are you doing?" masungit na tanong sa akin ni Azul habang nakakunot ang noo.
Natigilan ako sa panggagagad at napangiwi.
Sh*t. Nahuli ako sa akto!
Bakit hindi ko namalayan na nakaharap na ito?!
"Ginagagad mo ba ako, Alien?" tanong pa rin nito kahit nahuli naman na ako at kitang-kita nito ang ginagawa ko.
"Huh? H-Hindi, ah," maang-maangan ko, sabay iling pa.
"E, ano 'yung nakita ko?"
Biglang hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko at nagkunwaring hinihilot ko ang iba't-ibang parte ng mukha ko. "A-Ano... uh, ano… ine-exercise ko lang 'yung mukha ko… alam mo na. Baka kasi nagkaka-wrinkles na ako. Ikaw rin, puwede mo rin itong gawin kapag may time ka. Hehe. Madali lang naman, gusto mo bang turuan kita?" suhestiyon ko pa.
Nagsalubong ang kilay nito. "Pinaglololoko mo ba ako?"
Itinigil ko na ang paggalaw ng kamay ko bago ngumuso. "Hoy, hindi kaya. Grabe ka naman."
Sinamaan ako nito ng tingin.
Hindi na tuloy ako kumibo pa.
"Sinasayang mo lang ang oras ko, Alien. Sabihin mo na kung sasama ka ba o ipapatapon na kita palabas ng bahay ko," turan nito na inip na ang tinig.
"Grabe. Masyado ka namang nagmamadali. Gustong-gusto mo talagang makita si Aletha? Akala ko ba suko ka na? Na nag-concede at nag-give up ka na?" pagpapaalala ko.
Kumunot lalo ang noo nito. Natahimik. Mukhang na-hit ko rin sa wakas ang weakest point nito.
"Know what? Hindi ka na dapat muna kasi um-oo kahit na siya pa mismo ang nagyaya. Ano ba? 'Yung totoo? Sumuko ka na ba talaga? O umaasa ka pa? Ang gulo lang kasi, e. Ako ang naguguluhan sa mga kilos at ginagawa mo. Para ka namang timang. Paano ka niyan makaka-move on sa gina—"
"Shut up! Wala kang alam!" galit na putol nito sa sinasabi ko.
Napapitlag ako sa lakas ng boses nito at umawang din ang labi ko sa gulat na agad ko rin namang itinikom.
Napailing ako.
Mali ito. Maling-mali. Kung nalalaman lamang nito ‘yung mga nalalaman ko na baka hindi nito gustuhing malaman pa… lalo na ang tanggapin nito ang katotohanan sa lahat ng ito, ang tungkol sa pagkatao nito at ang mundong ginagalawan nito.
Pinili kong huwag nang kumibo.
Dumaan ang mahabang katahimikan sa pagitan namin.
Inalis ko na ang pagkakatingin ko rito.
"Who says that I need your opinion?"
Napabuntung hininga na lamang ako sa kawalan.
"Sorry. But I was born this way. I am way too opinionated, honest and tactless, kaya nga siguro wala akong naging kaibigan. Kung nasasaktan ka sa mga sinasabi ko na alam naman natin parehong totoo. Puwes, hindi ko na iyon kasalanan pa."
Aburido ako nitong tinignan. "T*ngina. Pinapasama ka lang nila dahil sa gusto lang nila na makilala ka pa kaya ako pumayag. Pero sa halip na um-oo, kung ano-ano pa ang sinasabi mo riyan."
Hindi ako nagpaapekto sa sinabi nito, "Nagkakilala naman na ang lahat kahapon, ah? Hindi pa ba sapat iyon?"
"I don't know. They are curious about you na hindi ko maintindihan. Bakit kaya hindi sila ang tanungin mo?" balik nito.
Tsk. Sungit talaga.
"Wala namang interesante sa akin, lalo na sa buhay ko," sagot ko, matter of factly.
Ikinunot nito ang noo sa akin.
"Saka wala naman akong gagawin doon kung sakali. Baka ma-OP pa ako. Since, kakakilala lang nila sa akin."
"Exactly. Wala ka namang gagawin do'n at wala ka rin namang gagawin dito, wala namang ipinagkaiba. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ba ayaw mo pang pumayag. Ang dami mo pang alibi. Napaghahalataan na ayaw mo lang talagang sumama."
Napakamot ako sa ulo. "E, kasi naman… baka nga kasi ma-OP ako," pagpipilit ko pa rin.
"Did I make you feel out of place when they were here? Iniwan ba kita?"
Ngumuso ako bago dahan-dahan na umiling.
"Iyon naman pala. E, ano pa ang ikinakatakot mo?"
Huminga ako nang malalim. "Ayoko lang na makilala nila ako at malaman nila ang tungkol sa akin. Or if ever man, 'yung may mahalata sila sa akin na kakaiba."
"In other words, ayaw mo na mahalata nila na alien ka?"
Iniikot ko ang mata ko. "Sort of, pero hindi nga sabi ako alien."
"You did well back then. Wala naman silang nahalata, I think. Just act normal in front of them."
Feeling naman nito ay kay dali lamang nung sinasabi nito.
Kung nalalaman lamang nito na ang hirap para sa isang writer na makaharap 'yung mga karakter na ikaw mismo ang gumawa, na 'yung habi lamang ng malikot na imahisyon mo ay nakakausap at nakakaharap mo pa in flesh.
Ang awkward. Ang weird sa pakiramdam. At higit sa lahat ay nakakaloka... literal.
Ito pa nga lang ay nahihirapan na ako, paano pa kaya ‘yung iba?
Kilalang-kilala ko na ang mga ito, pero iba pa rin na makaharap ang mga ito. Ang hirap magpanggap na wala akong alam. Paano na lang kung ma-provoke ako at madulas?
"Pero paano kung mayroon? Kaya pala gusto nila akong makilala lalo?"
"Wala iyon. Just act normal, trust me and everything will be fine. I'll stay with you kaya huwag ka nang matakot, okay?"
Napatingin ako sa mata nito, kinilabutan ako sa klase ng tingin nito pati na sa sinseridad na mayroon sa tono nito.
Napalunok tuloy ako. "T-Talaga?"
"Yes... kaya pumayag ka na, kung hindi kasi ay… pupulutin ka sa labas ng bahay na ito at tapusin na rin natin ang ano mang koneksiyon natin sa isa't isa. Choose," ulit nito sa pangba-blackmail nito kanina.
Napatanga ako sa sinabi nito.
Sh*t na ‘yan.
Akala ko pa naman ay bumait na itong bigla. Hindi pala. Back to business at back to pagiging peste.
Hays, hindi ko talaga mapagbabago ang desisyon nito. At no choice ako kundi ang pumayag.
Tumayo akong bigla at nilapitan ito. "Nasaan ba 'yung damit? Tingnan ko nga. Punyeta. Anong oras ba kasi tayo aalis? May mag-aayos ba sa akin? Baka naman magahol tayo sa oras?" sunod-sunod kong tanong na kulang ang salitang exaggerated sa pagiging excited na mukhang hindi nito inaasahan dahil gulat na gulat ang hitsura nito habang nakatingin sa akin, sa biglaang pagbabago ko ng desisyon.
Hah! Got yah!