Caia’s POV
Itinikom ko rin kalaunan ang bibig ko at lumunok bago umayos.
Hays. Bakit ba kasi kailangan pa nitong banggitin iyon at isingit?
E, hindi naman iyon importante at lalo namang hindi kailangan sa usapan.
"What do you mean?" naguguluhan na tanong ni Doc.
Napatingin tuloy ako rito na nakakunot ang noo habang nakatingin sa nobya.
"Mukhang pinapagod sa ibang bagay, e."
"What?" muling tanong ni Doc, hindi ma-gets ang sinasabi ni Aletha na ang tinutukoy ay ang nakitang eksena sa pagitan namin ni Azul kanina.
Ngumisi ang babae. "Huwag ako ang tanungin mo, sa kanila mo tanungin. May kailangan yata silang sabihin at aminin sa atin," patuloy ni Aletha na natatawa.
Gusto kong lamunin na lang ng lupa at mawala na lang na parang bula.
Kamote kasing Azul, kasalanan nito itong nangyayari, e!
"Tama na iyan. Kumain na tayo, baka gutom na rin itong si Caia," suway ni Doc sa nobya at pagyaya sa amin.
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa narinig.
"Mabuti pa nga," sang-ayon naman ni Aletha.
Nang tumayo ako ay kaagad na nilapitan ako ni Azul at hinawakan sa siko, nahuli ko pa ang pagsulyap sa amin ni Aletha ngunit kumapit din naman ito sa bisig ni Doc at nauna nang naglakad sa amin, inilapit pa nito ang mukha sa nobyo at parang may ibinulong na ikinailing-iling naman ng lalaki.
Kahit hindi ko narinig kung ano man ang sinabi ng babae ay parang naaamoy ko na agad na tungkol sa amin iyon ni Azul.
Bwiset talaga!
Dahil doon ay ipiniksi ko naman ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Azul pero hinablot lang nitong muli iyon at hinigpitan ang kapit sa akin.
Nanlilisik ang mata na tiningnan ko ito.
Napakaepal!
"What are you doing?" mahinang asik ko noong makakita ng pagkakataon at habang hindi kami pansin nung dalawa naming kasama.
Azul rolled his eyes. "Obviously ay inaalalayan ka. Enjoy it while I’m being nice and gentleman."
"Gentleman? Are you kidding me?" sarkastiko kong tanong.
Gentledog ka, peste!
"Do I look like I'm kidding? Hawak ko nga ang siko mo, 'di ba?"
"Of course, alam ko. Nararamdaman ko. Tanga lang? Pero bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito?" naiinis na paglilinaw ko.
Bago pa man ito makasagot ay nakarating na kami sa kusina. Inabutan namin ang magnobyo roon na nakaupo na, nakangiti habang nakatingin sa amin.
Kumibot ang labi ko, pilit na ngumiti kahit na mapakla pa ang kalabasan niyon.
Nagsimula na kaming kumain. Hindi naman ako na-OP katulad na noong inaasahan ko, bagkus ay mukhang si Azul pa nga ang na-OP dahil sa hindi ito nagsasalita at puro tango na lamang ang sagot kapag tinatanong ito ni Aletha na pilit na isinasali ito sa usapan. Palagay ko ay pinipili nitong manahimik dahil kasama namin si Doc at sa nakikita marahil kung gaano ka-sweet ang dalawa.
Napapailing na lamang ako sa tuwing tinitingnan ko ito, lalo na kapag naglalagay ito ng pagkain sa plato ko. At mukhang iyon na lamang ang ginawa nitong libangan. Kung ano-ano na tuloy ang laman ng tiyan ko.
"Tama naman na. Busog na ako. Saka ayoko na, baka sumakit na ang tiyan ko mamaya niyan, halo-halo na ang laman," mahinang bawal ko noong makita na kukuha na naman ito ng pagkain at ilalagay sa plato ko.
"Ang sweet naman. Ganyan dapat ang pagtrato sa babae, binubusog, inaalagaan at higit sa lahat ay minamahal," singit ni Aletha patungkol sa amin.
Ha? Ano raw?
Okay na ako ro'n sa alagaan at busugin, pero ‘yung dulo? Jusko. Malabo iyon.
"So... care to tell us the news between the two of you? I-update ninyo naman kami," curious at tila ba umaasa na kikiligin sa maririnig na turan ni Aletha.
Tumikhim si Azul at lumikot ang mata. "Uh, she's... she's my girlfriend now," anunsiyo nito na walang pakundangan bago hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa at ginagap iyon.
Naumid ang dila ko.
Kamote. Hindi man lang ako na-inform.
Ginamit na naman ako!
Ano ba talaga ang binabalak nito at pati ako ay nadadamay sa palabas na ginagawa nito?
Natigilan si Doc at tumitig sa akin, ngumiti naman si Aletha na parang nasisiyahan.
Masayang pinagsalikop ni Aletha ang dalawang kamay nito. "Sinasabi ko na nga ba. I told you, I saw them kissing sa labas kanina," baling nito kay Doc na mukhang gulat na gulat at bumungisngis pa ang babae.
Hala! Mali naman ang ipinamalita ni Aletha!
We didn't kiss! He kissed me!
Malaki kaya ang pagkakaiba no'n! Hindi naman ako tumugon sa halik ni Azul!
Bubuka sana ang bibig ko para itama ang sinabi nito pero natigil ako noong pinisil ni Azul ang kamay ko na hawak-hawak nito.
Napatingin tuloy ako rito nang nagtatanong.
Ready na sana akong giyerahin ito, pero natigil akong muli sa nakita kong ekspresyon nito.
There is sadness in his eyes.
Hindi ko inaasahan na iyon ang makikita ko rito kahit pa nga hindi naman ito direktang nakatingin sa akin, kundi sa dalawang taong masayang nag-uusap sa harap namin.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko habang nakatutok ang mata ko sa lalaking katabi ko.
Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko maipagkakailang apektado ako sa nakikita kong sakit na nakabalatay sa mukha at mata nito.
D*mn.
Lumunok ako.
I shouldn't be feeling this way. Hindi dapat ako nakararamdam ng awa para rito, lalo pa at alam kong mali ang ginagawa nito kanina pa... lalo na sa akin, dahil ginagamit ako nito sa hindi ko maintindihang plano nito.
Ngunit sa huli ay nanahimik na lamang ako, hindi ko na itinama pa ang sinabi nina Aletha at Azul.
Pero hindi ibig sabihin niyon na palalampasin ko na ang ginawa nito.
Mamaya ko na lamang kakastiguhin ang ungas kapag kaming dalawa na lamang.
Matagal bago natapos ang dinner dahil sa kuwentuhan.
"Take care of her, Rash," paalala ni Aletha.
I saw pain flickered in his eyes.
Kay bilis lamang dahil pagkurap nito ay wala na ang emosyon na iyon kahit na hindi pa ito nakangiti.
Hinila ako ni Azul sa tagiliran nito at pinagmasdan ang kabuuan ng mukha ko.
Nang maghinang ang mata namin ay hindi ko mawari, pero parang nagmamakaawa ang mata nito sa akin.
"Of course, I will. Kahit hindi mo pa sabihin, gagawin ko. Responsibilidad ko iyon," sagot ni Azul habang patuloy akong tinitingnan.
I can feel the pain in his voice but no one noticed it, except me.
Masyado ko itong kilala at masyado akong pamilyar sa mga galawan at tono nito upang masabi ko ang mga obserbasyon ko rito.
My heart ached too.
Wala kasi akong magawa para rito.
Hindi ko na kontrolado ang sitwasyon at ang mga bagay-bagay na nangyayari.
"Masaya ako para sa inyong dalawa."
Napalunok ako noong marinig muli ang tinig ni Aletha.
Naikuyom ko ang kamao ko.
Naiinis ako sa simpleng mga salita na sinabi ng babae.
Bakit pa ba nito kailangang bitawan ang mga salitang iyon?
Bakit hindi nito makita na hindi iyon kailangan ni Azul? Na hindi iyon nakatutulong sa nararamdaman nito?
Nagpaalam na kami at tahimik kami pareho ni Azul sa biyahe habang nagda-drive ito.
Sinulyapan ko ito, as usual ay seryoso ang mukha.
Huminga ako nang malalim at binasa ang labi ko upang simulan ang pagkastigo rito.
Hindi sapat ang dahilan na nasasaktan ito upang palampasin ko ang maling ginawa nito.
"You kissed me on purpose, didn't you?" malumanay na tanong ko.
Hindi ko akalain na maitatanong ko iyon sa ganitong paraan, dahil kung kanina siguro kami nag-usap tungkol dito ay baka nasaktan ko na ito nang pisikal dahil sa pagkaasar ko rito sa ginawa nitong paghalik sa akin.
Huminga rin ito nang malalim, ngunit hindi sumagot.
"You did that on purpose... dahil ba alam mong naroon si Aletha? But, why did you do that and what for?"
Nagtagis ang bagang nito. “Dahil gusto kong makita kung ano ba ang magiging reaksiyon niya kapag nakita niyang may ibang babae akong hinahalikan. I wanted to make her feel jealous…”
Umawang ang labi ko.
So, that’s it. Gusto nitong magselos si Aletha… tama nga ang hinala ko na ginamit nga talaga ako nito.
Lumunok ako at pumikit nang mariin upang kalmahin ang sistema ko dahil gusto ko na naman itong saktan nang pisikal. Una, para sa panggagamit nito sa akin at pangalawa, para sa pagiging gago nito at pananakit sa sariling damdamin nito.
Sa halip na si Aletha ang nasasaktan ay ito ang nakakaramdam niyon.
"As you can see, mahal nila ni Doc ang isa't-isa."
"So?" iritang tanong nito.
Nagbuga ako ng hangin upang pigilan din ang pagkairita ko.
Ito pa talaga ang may ganang mairita sa aming dalawa. Hays. Kakaiba talaga.
"Akala ko ba ay tanggap mo na 'yon? Sumuko ka na at nag-give way ka na, ‘di ba?"
"Nagbago ang isip ko."
"W-What?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hindi ba puwedeng magbago ang isip ko? Yes, masaya sila at mahal nila ang isa't-isa... for now. Pero, imposible bang mahalin din ako ni Aletha? Hindi ba puwedeng mabaling ang atensiyon niya sa akin at higit sa lahat ay sumaya rin siya sa akin?"
Napatitig ako rito.
What the hell is he saying?
Gustong manakit ng ulo ko sa mga pinagsasasabi nito.
Bakit ba ito nagkakaganito? Bakit biglang naiisip nito ang mga ganitong bagay?
And why does suddenly he sounds so... pathetic?
Sh*t.
Mayroon bang nakikielam sa pagdaloy ng kuwento? Bakit biglang nagiging ganito ang mga nangyayari?
Nahihilo ako, nagugulo kasi ang istorya ni Azul. Hindi ganito ang plano ko, walang-wala ito sa naging plano ko. Hindi ito kontrabida. Bida ito sa sarili nitong kuwento, pero sa nangyayari ay tila ba magiging kontrabida ito sa love story nina Aletha at Wallaceter.
At sa ginagawa nito, kahit pa sabihin na nasasaktan ito ay hindi ko ito kayang suportahan sa gusto nitong gawin at mangyari… lalo na kung ikagugulo at ikasisira iyon ng kuwento nina Aletha at Wallaceter na siyang nakatakda nang magkatuluyan.
"Ikaw ang tutulong sa akin."
Umiling ako kaagad. Paulit-ulit.
Hindi puwede. Hindi maaari. Ayoko.
"You don't have a choice. You'll help me to get Aletha's heart."
"Nababaliw ka na ba?!" bulalas ko.
"No. I'm perfectly sane."
"Then, bakit mo naiisip ang mga ganyang bagay?"
Sinulyapan ako nito. "I just want to be happy. Is that a bad thing?"
"No. Pero, mali ito. Mali itong paraan na ito. Puwede ka namang maging masaya na hindi makakapanakit at hindi maninira. Hindi sa ganitong paraan. Hindi ka ganito, Azul. Hindi si Aletha... marami pang ibang babae."
Tumawa ito nang pagak. "Iba? Ayoko ng iba."
Pumikit ako nang mariin. "Hindi na nga siya puwede dahil nakatakda na siya sa iba... kay Doc! Bakit ba hindi mo matanggap at maintindihan iyon?!"
Natigilan ito at biglang inihinto ang kotse sa isang gilid.
Hindi ko alam kung dahil ba sa emosyon pero parang humirap bigla ang paghinga ko.
Ganunpaman ay hindi no'n mapipigilan ang mga gusto kong sabihin.
"Gustong-gusto kong maging masaya ka, noon pa... kung nalalaman mo lang, Azul. I want you to have your own happy ending. But, you're not meant for her. Not with Aletha. Not her. So, please stop. You are meant for someone else. Let them be happy. Just accept it and move on," tuloy-tuloy kong sabi dahil sa hindi na halos ako makahinga.
Nag-aalala ako nitong tiningnan.
"A-Are you okay? What's happening?" sa halip ay parang nahihintakutan at natatarantang tanong nito, hindi malaman kung hahawakan ba ako o ano.
Itinaas ko ang isang kamay ko sa tapat ng dibdib ko, nagbabakasali na mabawasan kahit na kaunti ang nararamdaman ko.
Hindi ako makasagot, pinipilit kong i-steady ang paningin ko sa pigura ni Azul, ngunit sa halip ay nanlalabo pang lalo iyon.
Tumulo ang luha sa mata ko.
Kumurap ako, pero gayon na lamang ang gulat ko noong pagdilat ko ay naging maayos na nga ang paghinga ko, ngunit wala naman na si Azul sa harapan ko.