Caia’s POV Frustrated na ibinaba ko ang telepono ko sa aking kandungan. Kinagat ko ang labi ko at napapikit ako nang mariin. I can't help myself, but to ask what’s really happening. Kung bakit kailangan ko itong maranasan? Sa dinami-rami ng tao sa mundo ay bakit ako pa? Higit sa lahat ay sa dami ba naman ng bilang ng mga manunulat sa mundong ito bakit ako pa ang nakakaranas na makasalamuha ang mga karakter na sariling gawa ko? Pati ang mapunta sa mundo ng mga ito? Gustong tumakas ng bait ko sa mga out of this world na nangyayari. Hindi ko alam kung may natanggal na bang turnilyo sa utak ko kaya kung ano-ano na ang nangyayari sa mga kathang-isip ko lamang dati. Gustuhin ko mang ibahagi sa iba ang nararanasan ko ay hindi ko naman magawa. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Manang

