Caia’s POV Napangiti ako nang mapakla sa mapait na katotohanan. Totoo ‘yung sinabi ko na pinipilit kong maging normal muli ang buhay ko… kahit na wala na ito sa akin. Saksi ang apat na sulok ng kuwarto ko sa mga hikbi at luha na pilit kong pinipigilang umalpas noong mga panahon na naghiwalay kami. Napakahirap para sa akin na nagkaganito ang lahat dahil idinepende kong masyado ang sarili ko rito. Hindi madali, ngunit maraming araw ang lumipas na naging basura at walang kuwenta ang naging tingin ko sa sarili ko. Mahirap man, ngunit unti-unti ay tinanggap ko na hindi na talaga kami puwede, kahit pa nga hirap na hirap ang kalooban ko at tutol ang buong sistema ko. Paano nga bang magiging madali gayong nag-invest ako ng panahon, atensiyon at damdamin ko. Napakahirap tanggapin na isang a

