Caia’s POV "How about I'll give her this jacket as a present, Manang Estela? Remembrance po," suhestiyon ko. Wala akong nakuhang tugon mula sa kasama ko kaya nilingon ko na ito. "Tingin ninyo po magustuhan kaya niya ito? May kalumaan na nga lang po, pero ito po kasi ‘yung isinusuot kong hoodie kapag dumadalo ako sa book signing, na napakadalang naman pong mangyari. And since hindi na nga po ako magbabalik sa pagsusulat, hindi ko na po ito magagamit pa, inilaan ko lang po talaga kasi ang jacket na ito para sa mga happenings sa buhay ko as MissHoodie,” may bahid ng lungkot na turan ko sa huli. “H-Hindi mo na ba talaga iyan gagamitin?” Umiling ako. “Hindi na po. Nag-end na po talaga ang journey ko sa pagsusulat. Pero, tingin ninyo po, okay lang po kaya na ibigay ko ito sa kanya, Manang?”

