Caia's POV "Huy!" Napaigtad ako dahil sa gulat sa kamay na biglang dumaklot sa balikat ko at sa may-ari na rin ng boses niyon. Muntikan ko na tuloy maitumba dahil sa pagkakatulak ang rack kung saan nakasalansan at nakahilera ang mga librong inaayos ko, mabuti na lang at naagapan ko rin kaagad kaya hindi natuloy na natumba, kung hindi ay magdodoble trabaho ako. Hays. Pumalatak ako at hinarap ang salarin na walang habas na nanggulat sa akin. "Ano ka ba naman, Lara. Hindi ka nakatutuwa. Hindi mo ba nakikita na may ginagawa ako rito at nag-aayos ako ng mga libro? Hays. Ikaw naman... muntikan ko na tuloy maitumba itong rack," nanenermon kong sita rito. Napangiwi ito, bakas sa mukha ang pagka-guilty. "Hala, sorry..." Hindi ako kumibo at bumalik na lang sa pag-aayos ng mga libro sa estante.

