Caia’s POV Sa mga sumunod na araw ay ginugol ko ang mga libreng oras ko upang itabi at itago na ang lahat ng libro na mayroon ako, kasama na ang mga koleksiyon ko. 'Yung dating mga nagbibigay sa akin ng kasiyahan ay iniiwasan ko nang gawin, sinukuan ko na nang tuluyan ang pagsulat pati na ang pagbabasa. Isa kasi iyon sa nakikita kong paraan para kahit papaano ay maka-cope up at makausad ako sa araw-araw, alam ko naman kasing hindi ako makakalimot nang gano'n lang kadali at kabilis kaya kailangan kong subukang ilayo ang sarili ko sa mga bagay na nagbigay minsan sa akin nang kasiyahan ngunit ngayon ay lungkot na lamang ang magiging hatid sa akin. Hindi ko man inaasahan, ngunit magkasundo na kami ni Papa ngayon, maayos na ang relasyon namin simula noong nakabalik ako. Sa katunayan nga ay ma

