Caia’s POV Challenge para sa akin ang bawat araw. Sa halip na makalimot at malibang ay parang mas lalo lamang akong nakakaalala, kahit pa sa mga maliliit na detalye at bagay ay sumasagi si Azul sa isip ko. Ironic, isn't it? Gusto kong makalimot pero ayaw ng isipan ko. Nagrerebelde ang puso ko at kalaban ko mismo ang sarili ko. Minsan nga naiisip ko na ang pinakahirap pala talagang kalaban ay ang sarili mismo natin— 'yung utak at puso natin. The way we think and the way we feel. Ang hirap i-weigh ng mga bagay basta utak na at puso na ang pinag-uusapan. Ang hirap piliin kung alin ba ang tama at kung alin ba ang mali. Ang hirap i-distinguish kung alin ang makabubuti sa atin at hindi. Sabi nila, kaya raw nasa mas mataas na lebel ang pagkakalagay ng utak natin sa ating katawan ay dahil mas

