Caia’s POV "Ano nga pala ang pangalan nung naging kaibigan mo?" Napalunok ako. Akala ko ay matatapos na ang pinag-uusapan namin dahil sinabi ko nang hindi nito makikila si Azul at madi-discourage na ito, pero hindi pa pala. Nakalimutan ko kung gaano ka-persistent itong si Manang Estela. "Caia?” untag nito sa akin noong hindi ako nakasagot. Naikurap-kurap ko ang mata ko habang nakatitig sa mukha nito. Okay lang naman siguro kung sabihin ko ang pangalan ni Azul, tutal naman ay alam kong hindi nito natatandaan ang pangalan ng lahat ng mga karakter ko. "R-Rashiel po." Tila biglang kuminang ang mata nito. "Kay guwapong pangalan. Sigurado ako na guwapo rin ang kaibigan mong iyon.” Hindi ako sang-ayon sa sinabi nito, kulang kasi ang salitang guwapo upang mailarawan ang panlabas na anyo

