“Bakit napansin ko ang tahimik mo yata ngayon, Daria? At anong drama mo na araw-araw kang nagtatanim ng kung anong mga gulay? Kulang na lang magpunta ka na rin ng bukid para magtanim?” tanong ko kay Daria na nagpalit na naman ng damit. Nakamahabang pantalon na pantrabaho at naka long sleeve at nakasuot pa ng salakot sa ulo. “Hayaan mo na ako, ate. Naiinip din kasi ko. Wala naman si Riel, wala akong trabaho na pwede kong pasukin. Ikaw naman kailangan magpahinga kapag umaga kaya anong gagawin ko? Gusto ko na nga na maghanap ng trabaho para kahit paano may sinasahod ako.” Sagot ko kay Ate na nakaupo sa terrace habang nagkakape samantalang ako ay nagbubungkal na naman ng lupa at balak kong magtanim dito sa harap bahay namin dahil napakaluwag naman. “Sus! Bakit hindi magpunta kay Matias at t

