Iniwan ko muna si Riel sa pangangalaga ni Daria. Sa halip na magpapahinga pa ako sa magdamag na puyat sa trabaho ay nilaan ko talaga ang araw na ito para magtungo sa hacienda Malubay upang kamustahin na sina sir Rhuel lalo na si Ron. Hindi ako pinatulog ng kalooban ko ng malaman ang nangyari sa anak-anakan ko. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman kung magaling na ba ng lubusan si Ron. Wala akong pakialam kahit pa naroon si Gelene. Hindi naman siya ang pinunta ko sa hacienda. “Tao po!” malakas kong sigaw ng nasa harap na ako ng malaking gate ng malaking bahay. Wala pa rin namang pinagbago. Katulad pa rin ng dati ang itsura nito. Para bang kahapon lang ako umalis. “Tao po!” tawag kong muli ngunit kung meron mang tao sa loob ay baka hindi talaga ako naririnig lalo na kung n

