CHAPTER 20 Ang bawat paggising ko ay tila isang parusa. Sa tuwing ididilat ko ang aking mga mata, ang unang bumubungad sa akin ay ang malupit na katotohanan na hindi ito isang masamang panaginip. Wala si Dominic. Ang lalaking nangako ng habambuhay, ang lalaking nagsuot ng singsing sa daliri ko, ay naging abo na at alaala na lamang. Nagising akong humahabol muli ng hininga, ang kaba sa dibdib ko ay hindi na basta kaba ito ay isang malalim at nanunuot na hapdi na tila may mga kuko ng agila na bumabaon sa aking puso. Pawis na pawis ako sa gitna ng air-conditioned na kwarto ng ospital. Ang puting kisame ay tila bumababa para ipitin ako. At doon, sa gitna ng aking paghahabol sa hangin, naramdaman ko ang isang presensya. Isang presensya na nagpapatayo ng bawat balahibo ko sa galit. Dahan

