CHAPTER 21 Lumipas ang mga araw na tila ba isang walang katapusang serye ng kulay abong langit at malamig na simoy ng hangin. Bawat gising ko, ang unang tanong sa aking isipan ay, “Nahanap na ba siya?” Pero ang sagot ay palaging pananahimik isang nakabibinging pananahimik mula sa lawa na tila ba naging isang dambuhalang kabaong na ayaw magbukas. Walang katawan ni Dominic. Walang bakas. Tanging ang mga piraso ng basag na salamin at ang baluktot na barandilya sa itaas ng kalsada ang nagpapatunay na may naganap na trahedya sa lugar na iyon. Hindi ko na kaya ang maghintay lang sa loob ng bahay habang binibilang ang bawat segundo ng aking paghihirap. Kahit na mahigpit ang bilin ng doktor at nina Mommy, kinuha ko ang pagkakataon nang makatulog sila sa hapon. Suot ang isang makapal na j

