CHAPTER 25 Ang pagtapak ko sa sementadong pasilyo ng unibersidad ay tila pagpasok sa isang kulungang gawa sa mga tingin at bulong. Ang dalawang buwan na pamamalagi ko sa mansyon ng mga Salvatore ay tila naging isang proteksyon—isang kwebang naglayo sa akin sa malupit na husga ng mundo. Pero ngayong unang araw ng pagbabalik ko sa eskwela, ang reyalidad ay sumalubong sa akin na parang isang malamig na buhos ng tubig. Usap-usapan ako sa bawat sulok. Mula sa gate hanggang sa cafeteria, nararamdaman ko ang mga matang nakasunod sa bawat galaw ko. Hindi na ito bago, dahil naging malaking balita ang nangyaring aksidente sa Tagaytay. Ang pagkahulog ng sasakyan ng isang Salvatore, ang pagkawala ng kaisa-isang tagapagmana ng korporasyon, at ang himalang pagkaligtas ng kaniyang fiancée. Ang balita a

