Ang umagang sumunod ay hindi nagdala ng sariwang hangin, kundi ang malapot na amoy ng kape at ang nakakasuffocate na katahimikan ng mansyon. Hindi ako nakatulog. Ang aking mga mata ay tuyo at mahapdi matapos ang magdamag na pagtitig sa mga spreadsheet at financial statements na ipinilit ni Desmond na tapusin ko. Alas-siyete ng umaga nang bumukas ang pinto ng suite. Pumasok si Desmond, bihis na bihis na sa kaniyang charcoal gray suit, tila hindi bakas sa kaniya ang puyat o ang bigat ng mga pangyayari kagabi. Lumapit siya sa akin at ipinatong ang kaniyang kamay sa sandalan ng aking upuan. "Tapos mo na ba?" tanong niya, ang boses ay malamig at pormal. "Tapos na," sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Inilipat ko ang huling file sa kaniyang server. "Nagawa ko na ang gusto mo. Ngayon, sa

