“Ari, where are we? This is scary. Kailangan ba talagang naka-blinfold ako?” tanong ko nang maramdaman kong ibaba niya ako ng sasakyan. Umihip ang malakas na hangin kaya naman nagulo ang buhok ko at nalagay iyon sa mukha ko. “Hindi, trip ko lang ilagay ‘yan sa mata mo.” ani Arissa, dahilan para mapangiwi ako. “Wait, stay still.” Boses ni Ridge. Medyo nagulat pa ako nang may malamig na kamay ang dumampi sa mukha ko. Inalis niya ang mga buhok na humarang sa mukha ko kaya naman bumilis ang t***k ng puso ko, probably because I can’t see anything. Although medyo naging awkward ang hangin sa amin ni Ridge kanina, ginawa niya ang lahat para maging komportable pa rin ako. Iniba niya agad ang topic at nag-insist pa siya na sumama sa amin ni Arissa dahil nabo-bored daw siya. “Do you have a hair t

