“Ma’am Samirah, may naghahanap po sa inyo.” Napalingon ako sa pinto nang kumatok si Jessi sa kwarto. “Sino raw?” tanong ko bago ibalik ang tingin sa salamin at patuloy na i-cold compress ang mga mata ko nang sa gano’n ay tuluyan nang mawala ang pamamaga noon. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang sinabi iyon ni Nigel, that he prefered replacing than fixing things. Ibig sabihin ay mas gugustuhin niyang palitan na lang ako kaysa ayusin ang relasyon namin, iyon ang dating sa akin ng sinabi niya. Does that mean, mas pipiliin niya si Ms. Ritch kaysa sa akin? Maisip ko pa lang iyon ay parang guguho na ang mundo ko. “Taga-Gold Entertainment daw po.” Muntik ko nang mabagsak ang hawak na ice pack nang marinig ang kumpanya ng pamilya ni Nigel. What’s going on? Tiningnan kong maigi ang m

