Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik ng lakad sa sala. Kinagat ko ang kuko ko at tumingin sa wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto. Malapit nang mag-midnight ngunit hindi pa rin umuuwi si Nigel. He’s not reading my messages and answering my calls, it’s making me worry. “What have I done?” sabi ko sa sarili bago mapaupo sa couch at lingunin si Jessi na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Ang sabi niya kasi ay binilin ni Nigel kanina bago siya umalis na mag-stay in muna siya nang sa gano’n ay may kasama ako. Meaning, wala na naman siyang planong umuwi and the fact na pinag-stay niya si Jessi means na inaalala niya pa rin ang safety ko. “Ma’am Samirah, baka hindi na po uuwi si Sir Nigel. Magpahinga na po kayo, kanina pa po kayo naghihintay sa kanya at saka hindi

