Shira's POV
Natahimik ang lahat doon at naroon na naman ang mapanghusgang tingin ng ilan. Habang todo puri naman sila kay South na bumalik na sa upuan niya. Double standard.
Napailing na lang ako at lalapit na sana sa table namin nang tumayo si Neon sa pagkakaupo para lapitan ako.
“Ako na riyan, Shira,” sambit niya habang nakangiti.
“Thanks,” sambit ko at hinayaan silang dalhin ‘yon sa table namin. Tumaas naman ang kilay nina Ley at Rest. Pareho pa itong napangisi.
“Ang dami niyo namang patay na patay rito. Nako, ingat," natatawang saad ni Ley. Naiiling naman akong napairap doon.
“Thanks, Neon and uh...” Hindi ko alam ang pangalan ng isa.
“Ryan,” sabi niya at nahihiya pang ngumiti habang nakahawak sa batok. Napatawa naman ako roon.
“Thanks, Ryan. Shira,” sabi ko at naglahad ng kamay. Narinig ko ang ismid ng mga babae sa gilid ngunit hindi ko pinansin ang mga ‘yon.
Umalis na rin naman sila dahil sinabi kong kakain na kaming magkakaibigan. Ni hindi pa ako tuluyang nakakasubo nang may humila sa buhok ko. Pucha! Hilain na lahat, huwag lang ang buhok kong alagang-alaga ni Mommy. Agad akong tumayo at inalis ang pagkakahawak nito.
“Mga malalandi! Lalo ka na, Shira! Mang-aagaw ka!” naiiyak na saad ng isang babae habang sinusugod ako. Napakunot naman ang noo ko.
“Anong iniiyak mong hunghang ka?” tanong ko na iritadong iritado dahil hindi pa ako nakakakain.
“Malandi ka!” sigaw niya. Ang ilang kaibigan ay galit na galit din akong tinitignan. Recruiter 'yarn?
“So? Inggit ka, Bhie? Palibhasa’y no one’s want to make landi to you, eh,” sambit ko at bahagya pang natawa.
Sasampalin na sana ako nito at hihilain na sana ng ilang kaibigan niya ng buhok ngunit agad silang naharang ni Rest at Ley. Gulat na gulat sila nang tapunan ni Rest ng inumin ang hihila na sana ng buhok ko. Hindi lang siya ang may kaibigan. Duh!
“Hala! Boba ka, Rest! Bakit ‘yang drink ko pa? I want lemonade today. Kainis!” pabulong na saad ko at inirapan siya. Inirapan din ako nito. Tinawanan naman kami ni Ley.
“What do you want me to do? ‘Yon ang mas near,” iritadong saad ni Rest sa akin. Napairap na lang ako sa kanya at binalingan ng tingin ‘tong nasa harap ko ngayon.
Magsasalita na sana ako ngunit agad kong nakita si South na malapit na sa akin. Kaunting hakbang na lang ay tuluyan na nitong masasakop ang distansiya mula sa amin. Agad akong napatikhim dahil sa kaba.
“Lumayo ka!” malakas kong sigaw para kay South ngunit pinagtaasan lang ako nito ng kilay at dire-diretso lang sa paglapit.
“You should go now, Miss. Before I do something to you,” sambit ko.
“Merry! Wala na tayo! Pwede ba hindi na kita babalikan. Huwag kang mag-eskandalo rito,” sabi no’ng Ryan na tumulong sa akin kanina.
Agad naman akong napangiwi roon. Kaya naman pala todo sugod ang girlfriend nito sa akin. Kusa na lang akong napairap do’n. Kung lalandi siya, pwede bang ayusin niya muna ang lahat?
“No, please, I won’t doubt you again, you know how much I love you, right?” tanong pa nito.
Hindi ko naman maiwasang mapangiwi roon. Napapailing na lang ako at napaupo sa may lamesa namin. Natatawa naman na umupo si Ley habang si Rest kay kanina pa naman nakapwesto.
"Girl, if I were you I wouldn't beg. If he makes you doubtful about yourself, break up with him. Huwag mo nang habulin," ani ko kaya napatingin siya sa akin.
"Huwag kang makialam dito!" aniya na masama pa ang tingin sa akin kaya napahawak ako sa akin dibdib.
"Bakit parang kasalanan ko?" natatawa kong tanong.
“Tangina’ng ‘yan. Sino bang tangang maghahabol sa ex niya?” tanong ni Ley. Ang gagang 'to.
“Kapag ikaw naghabol lang, sisimpangulin kita,” natatawa kong saad at nagsimula nang kumain.
“Ulol! Asa!” natatawa niyang saad kaya napatawa kaming dalawa ni Rest.
Sa aming tatlo, siya naman talaga ang malabong maghabol. Hindi lang halata pero pinakamataas ang pride niyang si Ley.
“Fuck...” pabulong na saad ko nang nakaisang subo pa lang ako’y may sumaboy ng tubig sa akin.
“Pucha. Hindi na nga kayo pinapansin. Hayop,” iritado kong saad. Ni hindi na nga namin pinansin ang away nilang magjowa at tahimik na kaming kumakain.
“Anong hindi? Pinagtatawanan niyo ako! Ang bata-bata mo pa, ‘yang kalandian mo sagad na!” galit na saad nito. Imbis na mainsulto ay natawa pa ako sa sinabi niya.
“Nesfruta na talaga ‘yang kaassuming-an mo, Te? Talagang pagtatawanan kitang hayop ka kung hindi mo pa ako titigilan. Inggit ka, Girl? Walang maharot? Hmm?” malambing kong tanong. Hihilain niya pa sana ang buhok nang may pumigil na sa kanya. Akala ko si Ryan lang. Pareho ko sana silang pag-uuntugin ng boyfriend niya ngunit agad kong nakita si South na seryosong-seryoso na nakatayo sa harapan namin.
“South...” natatarantang saad ng babae. Napangiwi naman ako roon.
“That girl! She seduce my boyfriend!” sambit no’ng babae habang nakatingin dito. Tinignan naman ako ni South.
“Better stop now, Merry,” seryosong saad nito.
“Better stop now, Merry,” I mocked. Ang dalawang nasa lamesa’y palihim na natatawa. Napangisi pa ako nang makitang nakahawak ang kamay ni South sa babae.
“Isa ba sa mga babae mo?” natatawa kong tanong. Sinamaan niya ako ng tingin dahil do’n at inalis ang pagkakahawak sa babae. Hindi pa nakuntento ang babae ‘to at talagang sinugod pa ako ngunit agad na naharang ni South kaya ito ang nakalmot nito. Napangiwi na lang ako roon.
“Sali-sali kasi,” bulong ko sa kanya. Hinila naman na paalis ni Ryan ang girlfriend.
“Oh... I’m sorry about that, Kuya South!” nakangisi kong saad sa kanya.
Mas lalo pang tumalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Magsasalita pa sana ito ngunit agad akong nagsalita sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano ba ang kinakakaba ko. Marami itong fangirls alam ko. May itsura ang lolo mo.
“Wow! Nagutom ako roon, ha!” natatawa kong saad at hindi na pinansin si South na inirapan ako.
Hndi naman siya gaanong napansin dahil nandito rin sina Neon. Sabay-sabay na rin silang umalis sa gawi namin.
Napangisi naman sina Ley at Rest habang nakatingin sa akin.
“Hindi mo naman sinabing may protective ka pa lang fiance,” natatawang saad ni Ley.
“Yeah, handsome pa. You’re the winner na talaga, Sissy,” sabi naman ni Rest at sinabayan pa nang tawa ni Ley. Napailing na lang ako sa kanila at kumain ng kumain.
Nang matapos kaming kumain ay kanya-kanya naman na kaming tayo, inayos ko lang muna ang straw ng yogu ko bago sumunod sa kanila sa paglalakad. Papasok na sana kami sa senior high building nang may humila sa akin.
“Gora na kami, Sissy. Babush!”sambit ni Ley at ngumisi pa. Ganoon din naman si Rest na pakaway-kaway pa sa akin.
“Kuya. Really?” nakangiwing saad ni South na siyang hila ng hila.
“Oh... My handsome fiance is here. What are you doing here, Daddy?” tanong ko na agad niyang inirapan. Napatawa na lang ako dahil kahit kailan ay pikon talaga ito.