Chapter 6

1080 Words
Shira’s POV “Hey...” Napakunot ang noo ko nang makita si Dino na nandito sa tapat ng bahay namin. “What are you doing here?” tanong ko sa kanya, medyo naiirita na rin. Mabait naman si Dino at matagal ng nanliligaw sa akin kahit binasted ko na noon pa. Masugid masiyado. Hindi ko maiwasang mairita habang nakatingin sa kanya lalo na’t hindi ko alam na pupunta siya rito. Ayos lang naman kina Papa na may sumusundo sa akin noon o 'di naman kaya'y naghahatid pauwi. Hindi naman kasi sila ganoon kahigpit. Hindi ko lang alam ngayong may fiance na ako. “Umalis ka na, Dino. Bago ka pa makita ng Papa ko,” sambit ko na inirapan pa siya. “Gusto lang naman kitang sunduin saka nakita naman na ako ni Tito, hindi ba?” tanong niya sa akin. Iritado ko naman siyang tinignan. “Huwag mong sabihing may bago ka na,” sambit niya na parang nagtatampo pa. Napangiwi naman ako roon. Kita mo na shongit na nga ang hinayupak, chaka pa ng ugali. Akala mo naman naging kami. “What do you mean bago? Naging syota ba kita, Bhie? I think not. Matagal na kitang pinapahinto pero gorabels ka pa rin nang gora,” sabi ko at inirapan siya. “You should go now bago pa mawarak ‘yang tsekot mo,” sambit ko sa kanya. Napakunot naman siya ng noo. Hindi naiintindihan ang mga pinagsasabi ko. Isa rin sa ayaw ko sa kanya. Itatanong pa niyan kung ano ba ang sinasabi ko. “Tsekot?” tanong niya na nagtataka. “’Yang kotse mo, bobo,” sambit ko na napailing pa. “Nak, sino ‘yan?” tanong ni Papa na siyang lumabas na sa bahay. “Good morning po, Tito. Sunduin ko lang po sana si Shira,” turan ni Dino. Medyo kinabahan pa sa presensiya ng Papa ko. “Ganoon ba? Hindi pupwede. Ako ang maghahatid sa anak ko ngayon kay pupuwede ka ng umalis,” sabi ni Papa kaya agad akong napangisi. Mabilis naman itong tumango. Duwag din naman pala. “Huwag ka na ring babalik pa. May fiancé na ang anak ko,” sabi pa ni Papa habang nakatingin sa kanya. Napaawang naman ang labi ni Dino at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “She’s just only 17, Tito,” sabi nito na mukhang hindi talaga naniniwala. Anong akala niya joker si Papa? He’s medyo stupid, ha? “Ano naman?” tanong ni Papa sa kanya. Natataranta naman ‘tong umiling. “Okay po, Tito. Pasensiya na po,” natataranta niyang saad at kinabahang sumakay sa kotse niya. “Bahag naman pala ang buntot niyang manliligaw mo.” Napatalon naman ako sa gulat dahil kay Ley na nasa likod ko ngayon. Natawa naman siya sa naging reaksiyon ko kaya agad ko siyang inirapan. “Para kang epal. Bakit ka ba nanggugulat?” tanong ko na sinamaan siya ng tingin. “Hala siya. Sissy, Hindi ko kasalanang magugulatin ka,” natatawa niyang sambit. Inihatid na rin naman kami ni Papa sa school pagkatapos ng pangyayaring ‘yon. Naging abala naman ako buong tanghali sa pag-aaral. Iniwasan ko namang makita si South. Well, hindi rin naman ‘yon nagpapakita sa akin saka medyo malayo naman ang college building sa amin kaya malabong makita ko siya maliban kung tutungo ako sa cafeteria. “Hey, we saw your fiance sa field,” sambit sa akin ni Rest nang daanan nila ako ni Ley dito sa room. Agad ko namang tinakpan ang mga bunganga nila dahil sila lang ang nakakaalam no’n. “Ano naman? Hindi naman namin obligasiyon magkita,” natatawa kong bulong. Tinignan naman nila ako ni Ley at parehas na napailing. “Why are you ignoring him ba? I thought you’ll make landi, hmm?” patanong na saad niya. Agad naman akong napanguso roon. Hindi ko rin alam kung anong kinakatakot ko ngayon. Well, It’s South Arceo. Mahirap hindi gustuhin. “Sige na, hindi ka na namin pipilitin magsalita. Sissy, bahala ka na,” natatawang saad ni Ley na nagkibit ng balikat. “Basta you should make kwento if you want na, ha?” sambit ni Rest. “Chikahan mo lang kami, Bhie, kung nawarla na ‘yang puso mo riyan kay South,” natatawang saad ni Ley. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sobrang lakas ng boses nito. Napatingin naman kami sa ilang babaeng napapairap sa gawi namin. Ang dami talagang mga ingrata at inggetera talaga sa mundo. Napatawa na lang ako roon. Hindi na dapat pang pumatol sa mga taong bobita kung mag-isip. “Chibog na us. I want to eat na!” sambit ko sa kanila. “Kailan ba hindi?” natatawang saad ni Ley sa akin. Inirapan ko lang siya. Kampante naman akong nagtungo sa cafeteria dahil ang sabi ng dalawa ay wala naman siya roon. Nasa field daw kasi ito. “Ako na oorder,” sabi ko dahil ako naman ang maraming bibilhin. Paniguradong kapiranggot lang ang kakainin nitong si Ley at Rest. Baka nga ang baon na naman ni Ley ang kainin ni Rest. Namili lang ako ng mga pagkain na gustong kainin. Punong-puno naman ang dalawang tray habang pabalik ako sa table. “Ako na riyan, Shira,” sabi sa akin ng isang lalaking hindi ko naman alam ang pangalan. “Thanks!” nakangiti kong saad sa kanya. Tatanggi pa ba ako?  Agad naman siyang inasar ng ilang tropa niya. Kita ko naman ang pamumula ng mukha ng lalaki. Nginitian ko lang siya. Mukha namang matino ngunit alam ko na agad na hindi ko ito tipo. Halos malagutan ako ng hininga nang makita ko si South na nakaupo sa isang lamesa malapit sa amin. Agad napaawang ang labi ko at kinabahan habang nakatingin sa kanya. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Nginitian ko naman siya ng pagkatamis-tamis upang hindi ipahalata ang nararamdaman. Mas lalo lang nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin. Napapikit na lang ako. Ano bang ginagawa niyan dito? Akala ko ba’y nasa field siya? Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasimangot bago nagmadaling umiwas ng daan sa kaniya kaya lang kung minamalas ka nga naman, natabig pa ako nang isang lalaking dumadaan kaya naman nabasa ang polo na suot ko. Hindi ko naman mapigilan ang mapasimangot.  Ang mga manyak ay pinagpiyestahan pa ang katawan ko kaya naman masamang tingin ang ibinigay ko sa mga ito. Inis kong tinakpan ang dibdib ngunit nahinto rin nang lumapit si South sa akin bago inihagis lang basta ang coat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD